Janno Gibbs, nagsalita sa isyung unprofessional siya at may attitude problem

by Jojo Gabinete
Aug 27, 2021
Janno Gibbs: "Last week, nag-post si Direk Darryl on Facebook, a very long post na sinasabi niya na before shooting, ang dami niyang naririnig na negative things about me—pagiging unprofessional, may attitude... And I proved him wrong daw."
PHOTO/S: PEP File

Naranasan na ba ni Janno Gibbs ang may magsabi sa kanya ng titillating catchline na "Pwede mo kaming ******* nang sabay"?

Isang pilyong ngiti ang tanging reaksiyon ni Janno sa mapangahas na tanong sa guest appearance niya sa PEP Live, Huwebes ng gabi, Agosto 26.

Ang linyang iyon ay tinuran nina Maui Taylor at Rose Van Ginkel sa trailer ng kanilang pelikula, ang 69+1.

Ang pagiging gentleman ang dahilan ni Janno kaya idinaan na lang niya sa tawa ang kanyang sagot.

Sabay pag-amin niya sa kung anumang kalokohan niya noon, "Nung kabataan ko. Nung single pa ako, siyempre, lahat naman dumadaan sa ganyan."

Seryoso ang sumunod na rebelasyon ni Janno sa interbyu.

Inamin niyang hindi siya ang original choice ng direktor na si Darryl Yap bilang bidang lalake sa 69+1.

"Meron siyang ibang [actor] in mind. So, ang nagpasok sa akin [sa pelikula ] ay si Boss Vic," tukoy ni Janno kay Vic del Rosario, founder at chairman ng Viva Entertainment.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "Siyempre, naging challenge for me ‘yon na kailangan patunayan ko sa kanya na tama yung desisyon ni Boss Vic."

Nalaman ni Janno na nega ang impresyon sa kanya ni Darryl noon.

Kuwento ng beteranong comedian, "Nagkausap naman kami.

"Last week, nag-post si Direk Darryl on Facebook, a very long post na sinasabi niya na before shooting, ang dami niyang naririnig na negative things about me—pagiging unprofessional, may attitude...

"And I proved him wrong daw. Na-touch ako. Naiyak ako sa post ni Direk Darryl."

Aminado si Janno na notorious siya sa madalas na pagiging late niya sa trabaho.

Depensa niya, matindi ang kanyang insomnia kaya late siya nakakatulog at late din siyang gumigising kinabukasan.

"Noon talaga, I really had a problem with coming early sa work kasi masama talaga ang insomnia ko. Malala talaga," ani Janno.

Pero nabago na raw niya ito.

"And now, I have a new doctor, new meds that work well.

Continue reading below ↓

"So, ever since, hindi na ako nale-late. Maganda na yung sleeping habits ko."

HOT STORIES

DARRYL'S INITIAL HESITATION

Pinatotohanan ni Darryl na maganda ang working experience niya kay Janno.

Sa Facebook post niya noong August 18, ikinuwento ni Darryl na nagkamali siya nang paniwalaan niya ang kanyang mga narinig noon tungkol sa tingin ng iba ay hindi magandang ugali ni Janno.

Sabi ni Darryl (published as is): "My VIVA bosses told me that there is something with Janno that can make magic for the film.

"So bilang alipin ng salipi at sumasampalataya sa mga propesiya ni Boss Vic, pumayag ako.

"Napakarami ko ring naririnig na hindi magaganda tungkol sa kanya, kesyo laging LATE, may ATTITUDE, mayabang at feeling…

"Ayoko sana talaga, pero naisip ko… kung hindi ko mararanasan ang makipagtrabaho sa kanya dahil lang sa pintas ng iba, anong pinagkaiba ko sa mga namba-bash sa akin kahit di ako kilala."

GETTING TO KNOW JANNO

Nang magkatrabaho na sila sa pelikula, ang nakilala niyang Janno ay iba sa impresyon ng iba.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Darryl (published as is): "Sa loob ng ilang araw kong nakasama si Janno, ni minsan— HINDI SIYA NA-LATE.

"Hindi nambastos ng kahit na sino, hindi nagyabang ng kung anong meron at sino s’ya.

"angat sa lahat ng aking napansin— MATALINO siya. At ‘yun ang pinakagusto kong katangian ng artist na pwede kong ma-appreciate.

"TOTOONG TAO, kaya madalas masabihan ng prangka, bastos at hindi marunong makisama…parang ako."

Proud si Darryl sa naging resulta ng kanilang trabaho.

Sabi pa ng direktor (published as is): "Siya pa rin si Janno Gibbs sa pelikulang ito, pero hindi siya ang Janno Gibbs na madalas ipinapalabas ng ilan para lang umingay ang isang pelikula.

"Mali ako nu’ng pinagdudahan ko kung para siya sa 69+1, Mali ako na nagdalawang-isip ako na maging artista ko siya. Mali ako. at ayaw kong nagkakamali.

"At ‘yun ang hindi ko nagustuhan, pinatunayan ng isang Janno Gibbs, na mali ako at wala nang ibang aakma sa role ni Apol kung hindi siya lang."

Continue reading below ↓

Watch full interview of Janno Gibbs and Maui Taylor here:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs: "Last week, nag-post si Direk Darryl on Facebook, a very long post na sinasabi niya na before shooting, ang dami niyang naririnig na negative things about me—pagiging unprofessional, may attitude... And I proved him wrong daw."
PHOTO/S: PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results