Rose Van Ginkel inaming muntik nang mag-quit sa showbiz

by Jojo Gabinete
Aug 27, 2021
Rose Van Ginkel: "Kailangan ko magpahinga, kasi yung napamahal ako at minamahal ko, yun na ang nakakasakit sa akin. Nag-decide ako na tumigil muna. Baka hindi na siya healthy sa akin."
PHOTO/S: @babyginkel on Instagram

Kung hindi pa nagkuwento si Rose Van Ginkel sa virtual media conference ng 69+1, hindi malalaman ng entertainment press na dati siyang mainstay ng Walang Tulugan with the Master Showman, ang Saturday late-night show ni German Moreno.

Former member din siya ng Pop Girls, ang all-girl group na pinanggalingan din ni Nadine Lustre.


Continue reading below ↓

Rose Van Ginkel (second from right) with Pop Girls co-members (from left) Lailah Bustria, Shy Carlos, Nadine Lustre, and Mariam Bustria

Ang 69+1 ang biggest showbiz break ni Rose dahil sa kauna-unahang pagkakataon, lead actress siya sa pelikulang pinagbibidahan nila nina Maui Taylor at Janno Gibbs.

Bago siya nagbida sa 69+1, may special participation si Rose sa Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar.

Naging instrumento ito para hindi niya ituloy ang planong talikuran ang show business.

Saad ni Rose, “Naisipan kong mag-quit kasi parang nagiging sensitive na ako. Ang dami kong question lagi sa sarili ko every time na binibigyan ako ng work.

“At the same time, ka-batch ko si Nadine Lustre nang pumasok sa Viva, so ang dami na niyang narating.

“Ako, tinatanong ko ang sarili ko, ang dami ko nang naririnig na compliments, pero parang hindi siya sumasabay.

"Dumarating sa point na kapag binibigyan na ako ng project, hindi na ako natutuwa. Nalulungkot ako, parang, wala na ba akong kayang ibang gawin? Hindi ba ako nag-i-improve, ano ba ang kulang?

Continue reading below ↓

“Dumating ako sa point na sobrang sensitive na ako at nag-start ako na ma-depress."

Patuloy niya, “Sabi ko, baka time ko munang magpahinga. Hanapin ko ang sarili ko.

"Nag-quit ako sa Pop Girls, yun din ang reason.

"Kailangan ko magpahinga, kasi yung napamahal ako at minamahal ko, yun na ang nakakasakit sa akin.

"Nag-decide ako na tumigil muna. Baka hindi na siya healthy sa akin.

“If ever man na hindi na ako mag-artista, since graduate naman ako ng Tourism and mahilig ako mag-travel, isa ‘yon sa puwede kong choice, maging flight attendant para maikot ko rin ang buong mundo."

CONVERSATION WITH DIREK DARRYL

Hindi natuloy ang balak ni Rose na huminto na sa pag-aartista dahil nagkausap sila ni Darryl Yap, ang direktor ng Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar.

Si Darryl na ang nagtuloy sa kuwento ni Rose dahil hinding-hindi niya makalimutan ang kanilang pag-uusap.

“Your question was like this, ‘Direk, you are casting me. Okay lang ba sa 'yo hindi ako sikat?’

Continue reading below ↓

“Sabi ko, 'Ha, bakit?'

“Sabi niya, ‘Kasi yung iba po, they’re very particular na ang gusto nilang makatrabaho, yung may pangalan and all.’

“Sabi ko, 'May pangalan ka naman.'

"Sabi niya, ‘Alam ko, Direk, alam mo yung gusto kong sabihin.’"

Nang marinig ni Darryl ang mga sinabi ni Rose, ikinuwento niya ang sariling karanasan dahil maraming taon ang lumipas bago siya nakapasok sa showbiz para maging direktor.

Lahad ng direktor, “ Ako, before ako maka-enter ng showbiz, it’s twenty years na nagte-teatro ako.

“Sabi ko sa kanya, 'Kung ikaw umabot ng twenty years, tapos susuko ka, may karapatan kang humindi sa akin.'

"Pero, you know, yung will power at hardwork ni Rose is incomparable.

“The industry deserves a person na mahal yung industriya na kinukuwestiyon yung sarili niya kung karapat-dapat siya kahit karapat-dapat naman siya.

“Sabi ko, 'You just need a role, a look, and the people will get to know you.

Continue reading below ↓

"And finally, hindi mo na tatanungin yung direktor mo kung ‘Sigurado ka bang gusto mo ako kasi wala akong pangalan?’"

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rose Van Ginkel: "Kailangan ko magpahinga, kasi yung napamahal ako at minamahal ko, yun na ang nakakasakit sa akin. Nag-decide ako na tumigil muna. Baka hindi na siya healthy sa akin."
PHOTO/S: @babyginkel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results