Arthur Nery on Janine Teñoso: "Ang ganda pala niya."

by Jojo Gabinete
Aug 27, 2021
Arthur Nery on his impression of Janine Teñoso: "Nung na-meet ko po si Janine, I was just a typical fanboy who admire the artist. And then when I met her, na-realize ko na parang she’s more than an artist. She’s a good person."
PHOTO/S: CTTO / @janinetenoso Instagram

Hindi sinasadyang biglang nabuo ang music love team ng mga singer na sina Janine Teñoso at Arthur Nery dahil sa "Pelikula," ang kanilang unang song collaboration.

Ang fans nina Janine at Arthur ang nakapansin sa malakas na chemistry ng dalawa sa music video ng "Pelikula" kaya may mga naghinalang nagkakamabutihan na sila.

Sa presscon para kay Janine noong nakaraang buwan, hindi niya ipinagkailng hiwalay na sila ng boyfriend niya at napuna ng entertainment writers ang kanyang kakaibang reaksiyon sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Arthur.

Nitong Biyernes ng hapon, August 27, magkasabay na humarap sa entertainment press sina Janine at Arthur sa isang virtual media conference.

Pero naging mailap sila sa pagsagot tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sabi ni Arthur, "We’re friends and we’re trying to just explore individually to be able to contribute to each other kasi same kami ng goal—to create music.

"And tingnan na lang po natin kung saan patungo… Nung na-meet ko po si Janine, I was just a typical fanboy who admire the artist.

Continue reading below ↓

"And then when I met her, na-realize ko na parang she’s more than an artist. She’s a good person.

"Kami-meet lang po namin so parang hindi po namin ma-weigh yung mga things."

Walang girlfriend sa kasalukuyan si Arthur, na tubong-Cagayan de Oro at isa sa mga talent ng OC Records label ni Kean Cipriano.

Nang tanungin tungkol sa first impression niya kay Janine, hangang-hanga naman siya sa dalaga.

"Ang ganda pala niya. Sobrang saya niyang kausap, sobrang saya niyang katrabaho.

"And [it's] easier to work when you’re happy kaya siguro napadali yung work. It was easier to make than I expected," makahulugang sagot ni Arthur.

Unang nakilala ni Janine si Arthur sa Bangus Festival noong 2019.

Si Arthur ang unang nagpadala noon ng mensahe sa Instagram account ni Janine dahil gusto niyang magkaroon sila ng song collaboration, na natupad ngayong 2021 nang i-record nila ang "Pelikula."

Lahad ni Janine, "Nag-chat lang po kami sa Instagram, nagpasahan kami ng tracks and then, nabuo na po namin yung collab.

Continue reading below ↓

"Two months ago ko lang po [uli] na-meet si Arthur.

"Ang first impression, super chill ni Arthur. Sobrang comfortable lang talaga.

"Lagi ko pong sinasabi na parang matagal ko na siyang kilala kasi walang awkwardness the first time I met him.

"Very collaborative po kami ni Arthur. I would always consult him kapag may bago akong idea."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arthur Nery on his impression of Janine Teñoso: "Nung na-meet ko po si Janine, I was just a typical fanboy who admire the artist. And then when I met her, na-realize ko na parang she’s more than an artist. She’s a good person."
PHOTO/S: CTTO / @janinetenoso Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results