Manny Pacquiao, dinumog ng mga tagasuporta sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas

by Jojo Gabinete
Aug 30, 2021
manny pacquiao arrival
Manny Pacquiao: “Pasensiya na kayo hindi tayo nagwagi. Pero at least lumaban tayo. Hindi tayo sumuko.”
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong sinakyan ni Senator Manny Pacquiao nitong Lunes ng madaling-araw, August 30.

Nagulat siya dahil hindi niya inaasahan ang mainit na pagsalubong ng kanyang mga tagahanga at supporters.

Kapansin-pansin ang kawalan ng physical distancing sa mga nag-abang sa pagdating ni Pacquiao na nag-unahan sa pagkuha ng litrato ng kanilang dinumog na idolo.


Continue reading below ↓

Muling humingi ng paumanhin si Pacquiao dahil natalo siya sa laban nila ng Cuban boxer na si Yordenis Ugas noong August 21 sa Las Vegas, Nevada.

“Pasensiya na kayo hindi tayo nagwagi. Pero at least lumaban tayo. Hindi tayo sumuko,” sabi ni Pacquiao sa mga miyembro ng media na nag-interbyu sa kanya sa arrival gate ng NAIA Terminal 2.

Ikinabigla pero ikinatuwa ng Pinoy boxing champ ang mga taong sumalubong sa kanya na hindi raw niya inaasahan dahil natalo nga siya sa boxing bout nila ni Ugas.

“Hindi ko akalain na sasalubong sila nang ganito. Sabi ko, tahimik lang dahil talo naman tayo. Hindi tayo nagwagi.

"So, ang laki ng pasalamat ko dahil para rin akong nanalo sa mainit na pagsalubong sa akin ng media, ng supporters ko.

"Maraming salamat sa tiwala," pahayag ni Pacquiao.

Tinanong si Pacquiao kung lalaban pa siya sa boxing matapos talunin ni Ugas sa WBA Welterweight Championship.

Continue reading below ↓

Sagot niya, “Hindi pa ako nag-announce ng desisyon ko. Bale isasabay ko na ‘yan pati sa desisyon ko sa politics.”

Nangako si Pacquiao na magsasalita siya pagkatapos ng kanyang mandatory ten-day hotel quarantine.

Mula sa Centennial Terminal, tumuloy si Pacquiao sa isang five-star hotel sa Pasay City. Pitong kuwarto ang kinuha niya para sa sampung araw na pananatili nila ng kanyang mga kasama mula sa Los Angeles, California.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manny Pacquiao: “Pasensiya na kayo hindi tayo nagwagi. Pero at least lumaban tayo. Hindi tayo sumuko.”
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results