Watch Now

Mayor Isko Moreno, ibinahagi kung paano siya "itinumba" ng COVID-19

by Jojo Gabinete
Aug 31, 2021
Manila Mayor Isko Moreno: "So, ako po ang nagsasabi sa inyo, ang mabisang bakuna ay ang bakunang nasa braso ninyo. Ito po, lumalabas na pandemya ng hindi bakunado. This is the pandemic of the unvaccinated. Beware!”
PHOTO/S: Manila Public Information Office Facebook

"Go get vaccinated."

Ito ang ang mensahe ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang mga nasasakupan sa Facebook live address niya nitong Lunes ng hapon, August 30.

Nangyari ang pagsasalita ni Mayor Isko matapos niyang gumaling mula sa COVID-19 at sa unang araw ng muling paglilingkod niya bilang alkalde ng Maynila.

Ibinalita muna ni Mayor Isko ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Maynila at ang paglutas na ginagawa ng kanyang administrasyon sa malaking problema.

Pagkatapos nito ay ikinuwento niya ang sariling karanasan nang tamaan siya ng COVID-19 kaya ipinasok siya sa Sta. Ana Hospital para magpagamot at magpagaling.

mayor isko moreno covid

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Mayor Isko, “Tinira po ako ng sakit ng katawan. Sobra po, mga kababayan, sobra po ako na itinumba nito.

"Ako po ang nagsasabi sa inyo, itinumba po ako nito, literal.

“Nahirati po ako sa kama. Masakit po sa katawan, ininda ko po talaga. Akala ko bata ako, okey, e, hindi!

“Masuwerte ako, bakunado ako. Wala akong panlasa. Ngayon, konti pa lang yung pagbalik ng panlasa ko."

Patuloy niya, “Grabe po, humahapo po kami, pero salamat sa Diyos, nakaligtas kami.

“Tanong, matigas ba yung katawan ko kaya ako nakaligtas o dahil nadagdagan ako ng proteksyon dahil may bakuna ako?

"Ako ho, to conclude and to share to you, the same thing with Vice Mayor Honey Lacuna, pareho kaming Sinovac."

Si Vice Mayor Honey Lacuna ang unang dinapuan ng COVID-19. Nang sumunod na linggo, si Mayor Isko naman ang nagpositibo.

Ipinagtapat ni Mayor Isko sa Facebook live address nito na ang Delta variant ng COVID-19 ang tumama sa kanyang bise alkalde kaya hinihikayat niya ang lahat na magpabakuna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Vice Mayor Honey Lacuna, just so you know, Delta ang tumama sa kanya.

"Ang bakuna niya, Sinovac. Nakaligtas po siya.

"Hindi ko po ikinukubli sa inyo, si Vice Mayor, Delta. Tinamaan, nagka-pneumonia, nakaligtas dahil sa bakuna.

"Of course, sa [tulong ng] mga gamot at antibiotics. Ganoon din ako, dahil sa mga doktor at sa antibiotic.

"So, ako po ang nagsasabi sa inyo, ang mabisang bakuna ay ang bakunang nasa braso ninyo.

“Ito po, lumalabas na pandemya ng hindi bakunado. This is the pandemic of the unvaccinated. Beware!”

Sinabi rin ni Mayor Isko na hindi siya nagkamali sa mga aksyong ginawa niya sa paglaban sa COVID-19.

Aniya, “So far, lahat nang ginawa nating assessment para makagawa ng plano, ahead of time, mukhang tumama, modesty aside.

“So, laging tumatama yung ating paghahanda.

"Yung ating assessment, hindi sa bolang bilog. Hindi po sa kuwentuhang barbero sa gabi.

"Base ho sa mga data, pag-aaral, ia-assess, then gagawan ng action plan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi po garantiya na buhay ka, makakaligtas ka kung bakunado ka kapag na-impeksyon ka ng COVID-19.

"Pero ako na po ang nagsasabi sa inyo, malaki ang probabilidad na tayo ay mabuhay at makaligtas.

"Malaki ang probabilidad na tayo ay mabuhay kapag tayo ay bakunado. Malaki rin ang probabilidad na tayo ay mamatay kapag tayo ay naimpeksiyon ng COVID-19 na hindi tayo bakunado.

“Mano pa, kapag Delta ang nakuha ninyo, mas matapang, mas delikado, at alam natin na maraming namamatay. ‘Yan ang katotohanan.

"Kaya ang payo ko, get go vaccinated as soon as possible."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila Mayor Isko Moreno: "So, ako po ang nagsasabi sa inyo, ang mabisang bakuna ay ang bakunang nasa braso ninyo. Ito po, lumalabas na pandemya ng hindi bakunado. This is the pandemic of the unvaccinated. Beware!”
PHOTO/S: Manila Public Information Office Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results