Janno Gibbs, sinadyang di banggiting may kapansanan ang role niya sa 69+1

by Jojo Gabinete
Sep 3, 2021
69+1, the sex-comedy movie starring Janno Gibbs, Rose Van Ginkel, and Maui Taylor, begins streaming on Vivamax this Friday, September 3.
PHOTO/S: Viva Films

Nagsimula ang streaming ng 69+1 sa Vivamax ngayong Biyernes, September 3.

Ang 69+1 ay sex-comedy movie na tinatampukan nina Janno Gibbs, Rose Van Ginkel, at Maui Taylor.

Si Darryl Yap ang sumulat ng kuwento at direktor nito.

Pero tulad ng mga nakaraan at kontrobersiyal na movie project ni Darryl, may aral ang pelikula sa kabila ng pagkakaroon nito ng mga maseselang eksena at mga salitang bulgar para sa pandinig ng mga konserbatibong Pilipino.

Minahal at pinuri ng manonood ang karakter ni Jerald Napoles sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

Kung ngongo si Jerald sa pelikula nila ni Kim Molina, duling naman si Janno sa 69+1 .

Hindi ito binanggit ni Janno sa mga interbyu sa kanya para maiwasang ma-offend ang mga may kapansanan.

Hindi madaling gumanap na duling, pero buong husay itong nagampanan ni Janno at nagawa nitong hindi maging katatawanan ang disability ng kanyang binigyang-buhay na katauhan.

Bilang mga tomboy, may mga kissing scene sina Maui at Rose sa 69+1, pero walang mararamdamang pangingilabot ang manonood dahil maayos at hindi offensive ang execution ng intimate scenes nila.

Continue reading below ↓

Ang 69 +1 ang biggest role ni Rose sa pelikula kaya hindi nakapagtatakang pumayag siyang magkaroon ng split-second breast exposure scene.

Gaya ni Janno, magaling si Maui bilang lesbian lawyer.

Totoong naging generous si Maui kay Rose dahil mapapansin ang mga ginawa niyang pag-alalay sa kanyang co-star para lumutang ito sa kanilang mga eksena.

Ang confrontation scene nina Maui, Rose, at Janno habang itinuturo ni Dexter Doria ang pagluluto ng Bicol Express ang isa sa mga entertaining, highlight, at riot scene ng 69+1.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
69+1, the sex-comedy movie starring Janno Gibbs, Rose Van Ginkel, and Maui Taylor, begins streaming on Vivamax this Friday, September 3.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results