"Death is not a scoop": Netizens, showbiz personalities unahan sa pag-post pag may pumanaw na celebrity

by Jojo Gabinete
Sep 5, 2021
Mabilis na kumalat ang pagpanaw ng comedienne na si Mahal at ng celebrity photographer na si Raymund Isaac dahil sa social media posts ng ilang netizens at showbiz personalities mismo kahit wala pang official statement mula sa pamilya ng mga yumao.
PHOTO/S: Instagram

Parang may paligsahang nangyayari tuwing may pumapanaw na celebrity.

Ang mga netizens at maging showbiz personalities ay halos nag-uunahan sa pag-post sa social media ng pakikiramay sa mga naulila ng celebrity.

Gaya na lamang sa pagpanaw ng comedienne na si Mahal at ng celebrity photographer na si Raymund Isaac ngayong linggo.

Ang mga kaibigang artista ni Mahal ang nanguna sa pagbabalita sa social media tungkol sa pagkamatay ng comedienne noong August 31, 2021.

Muli itong nangyari nang pumanaw si Raymund nitong September 4, 2021.

Parehong kumplikasyon sa COVID-19 ang ikinasawi ni Mahal at Raymund.

Inunahan ng ilang netizens at ng ilang tiga-showbiz ang mismong pamilya ng mga nasawi, na higit may karapatang mag-anunsiyo at magkumpirma ng malungkot na balita.

Ang opisyal na pahayag ng pamilya ng kamatayan ang hinihintay ng mga legitimate at major news organizations bago sila maglabas ng balita dahil ito ang respetong hinihinigi ng pangyayari at dahil na rin sa mga legal na usapin na dapat isaalang-alang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito naiintindihan at, kung naiintindihan man, ipinagwawalang-bahala ng iba namang mga reporters at news outlets, dahil ang magka-scoop ang kanilang pangunahing motibo.

"DEATH IS NOT A SCOOP"

“Death is not a scoop,” sabi ni Cathy Sanchez-Babao, ang grief coach na anak ng veteran actress na si Caridad Sanchez.

Hindi napigilan ni Cathy ang magsalita nang makita nito sa social media ang mga post tungkol sa pagpanaw ni Raymund, kahit hindi pa naglalabas ng official statement ang pamilya ng celebrity photographer.

Pahayag ni Cathy, “Though we are deeply saddened when someone dies, we must wait for the family to announce it.

"There are many legal and financial implications after a death.

"We don’t help when we jump the gun on them. It’s also very disrespectful."

Sinang-ayunan ito ng international star na si Lea Salonga at ng tanyag na direktor na si Joey Reyes.

Sabad ni Lea, “I just posted the same. You’re just much more polite.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"WHOEVER DOES PREEEMPT IS AN ASSHOLE"

Nag-post din si Lea sa kanyang Facebook page ng opinyon tungkol sa pangunguna ng kapwa niya celebrities at ilang netizens sa pag-anunsiyo ng pagyao ng isang tao.

Tinawag pa niyang "asshole" ang mga gumagawa nito.

Saad ni Lea: “This is my official stance when news on someone’s passing starts going around (it’s happened enough times even pre-COVID, so let this be a reminder for the future):

"Until we get actual confirmation, we say nothing. And until the family makes the announcement, we don’t preempt.

"And whoever does preempt is an asshole. So don’t be an asshole."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang maanghang na komento ni Lea ang dahilan para burahin ng kanyang fans na may Twitter account na @AllAboutMsLea ang post nila tungkol sa pagkamatay ni Raymund.

Pahayag nila: “Kindly delete tweets regarding Sir Raymund Isaac. Let’s wait until further notice and confirmation from the family.

"We are also very sorry, we weren’t aware but we immediately deleted the tweets related to Sir Raymund when we saw Ms. Lea’s FB post.

"Stay Safe Everyone."

Nag-post din sa Twitter tungkol sa pagpanaw ni Raymund ang @Team_LeaSGlobal, pero at presstime hindi pa nila binubura ang kanilang tweet na RIP@raymundisaac.

Kung tutuusin, kasama sila sa mga tinutukoy ni Lea.

"THE RACE TO CONDOLE"

Reaksiyon naman ni Direk Joey Reyes, “I am appalled by the enthusiasm, the race to condole whereas there is no official word from family or partner.

“Although it means well, it is so disrespectful to the family.”

Naniniwala si Direk Joey na dapat maghintay ang lahat sa opisyal na pahayag ng mga naulila ng yumao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpaalaala ito sa amin ng insidenteng nangyari noong nakaraang taon nang sumakabilang-buhay ang isang veteran star.

Agad na pinag-usapan ang pagkamatay ng veteran star, pero pinakiusapan ng kanyang pamilya ang mga kaibigang entertainment writers na huwag munang ilabas ang balita at maghintay sa kanilang official statement.

May kailangan pa raw silang ayusin sa mga dokumento ng mga ari-arian ng nasawi.

Nang mamatay si Mahal noong August 31, hindi naglabas ng balita ang ABS-CBN News, ang 24 Oras, at ang PEP.ph hangga’t walang opisyal na kumpirmasyon mula sa kanyang pamilya.

Sa mga artista, isa si Ai-Ai delas Alas sa naghintay muna ng opisyal na pahayag mula sa pamilya ni Mahal bago siya naglabas ng pakikiramay sa kanyang Instagram account.

Nang kumalat ang balitang nawala na si Raymund, na kaibigan din ni Ai-Ai, nag-post ng cryptic message ang Comedy Queen: “May natanggap ako na balita, malungkot pero hihintayin ko ang pamilya ang magsabi o mag-anunsyo bilang respeto sa pamilya at asawa ng aking kaibigan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa kamatayan, hindi rin dapat itinuturing na scoop ang balita tungkol sa karamdaman ng isang tao.

Foul ang ginagawang pagbabalita tungkol sa pagkakaroon ng COVID-19 ng mga personalidad na hindi nagbigay ng pahintulot na malaman ng publiko ang kanilang kalagayan.

Maaaring maglabas ng balitang may kinalaman sa sakit ng isang tao kung ito mismo ang source ng balita, at siya ang naglagay sa social media ng kanyang kalagayan para humingi ng dasal at financial assistance.

Pero hangga’t hindi nagsasalita ang isang personalidad tungkol sa kanyang karamdaman, dapat isiping respeto lang—Wag siyang pangunahan.

Paglabag ito sa mga mga karapatan niya bilang tao at sa Republic Act 10173 o Data Privacy Act of 2012.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mabilis na kumalat ang pagpanaw ng comedienne na si Mahal at ng celebrity photographer na si Raymund Isaac dahil sa social media posts ng ilang netizens at showbiz personalities mismo kahit wala pang official statement mula sa pamilya ng mga yumao.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results