Mula sa pamilya ng manghuhula ang karakter na ginagampanan ni Julia Barretto sa Di Na Muli, ang drama series ng Viva TV at TV5 na mapapanood simula sa September 18, 2021.
Si Angelu de Leon ang gumaganap na ina ni Julia, si Baron Geisler ang kanyang tiyo, at si Liz Alindogan ang lola niya na pawang mga manghuhula.
Sa Di Na Muli, may kakayahan ang karakter ni Julia na malaman ang life span o haba ng buhay ng isang taong nahahawakan niya ang mga kamay.
Ang Filipino fans ng K-drama series ang nakapansin ng pagkakahawig ng kuwento ng Di Na Muli sa plot ng About Time, ang 2018 South Korean fantasy television series na pinagbidahan nina Lee Sang-yon at Lee Sung-kyung.
Isang aspiring musical actress na may abilidad na makita ang life span ng mga tao ang role ni Lee Sung-kyung sa About Time na maihahalintulad sa karakter ni Julia sa Di Na Muli.
Pero ayon sa writer nito na si Noreen Capili, magkaibang-magkaiba ang kuwento ng mga nabanggit na television series.
"Nagkataon lang na nagkapareho ng element na nakikita niya [Julia] yung life span ng isang tao, pero yung story at pagkakakuwento at yung plots sa serye namin is very, very different from About Time.
"Since lumabas nga yung trailer, maraming nag-comment na hindi lang About Time but meron din nag-mention about the Japanese series na Death Note, tapos may nag-comment about Justine Timberlake’s movie."
Ang Death Note ay ipinalabas noong 2006, habang ang pelikula ni Justin na In Time ay noong 2011.
Iginiit ni Noreen na hindi inspired ng About Time ang kuwento ng Di Na Muli.
"It’s just coincidental na meron kaming character na nakakakita ng life span ng mga tao sa movies na nabanggit ko.
"Meron din silang ganoong element, pero ‘yon ang element lang na nagkakapareho pero magkaiba yung kuwento.
"So, I think they should watch our series para makita nila na this is really different."
Sinang-ayunan ito nina Marco Gumabao at Marco Gallo, ang mga leading man ni Julia sa Di Na Muli.
Parehong sinabi ng magkapangalan na aktor na dapat na panoorin muna ang television series na tinatampukan nila para malaman ng publiko ang pagkakaiba nito sa About Time.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.