Sari-sari ang mga reaksiyon pero malakas ang impact sa netizens ng publicity photo nina Lassy Marquez at Kit Thompson na inilabas ng direktor na si Darryl Yap.
Sina Lassy at Kit ang mga bida sa Sarap Mong Patayin, ang pelikula tungkol sa catfishing o mga taong nagpapanggap na maganda ang pisikal na kaanyuan sa online sa pamamagitan ng paggamit ng larawan ng ibang mga personalidad.
Diyosang-diyosa si Lassy sa publicity picture nila ni Kit, na nakatalikod pero nakayakap sa sa comedian habang wala silang mga suot na pang-itaas.
Tiyak na kaiinggitan si Lassy ng mga gay at kababaihan na magsasabing talagang "masarap patayin" ang comedian.
Si Darryl ang sumulat ng kuwento at direktor ng Sarap Mong Patayin.
Nagtagumpay siya sa kanyang intensiyong makuha ang atensiyon ng publiko dahil pinag-uusapan ang larawan nina Lassy at Kit, na idea niya.
Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Darryl ngayong Lunes ng gabi, September 6, para itanong sa kanya ang inspirasyon niya sa concept ng litrato nina Kim at Lassy.
“Lassy po plays the role of Noel. The inspiration is simple. I want gays to die with envy as Noel dies with regrets,” sagot ni Darryl.
Nang sabihin namin na parang gusto talaga ng mga taong patayin si Lassy, “Exactly po!" ang natatawang reaksyon ni Darryl.
Ayon pa sa direktor, dapat abangan ng manonood kung paano niya napapayag si Kit na gawin ang mga eksena na kasama si Lassy.
“Naku, abangan niyo po kung paano ko sila nakumbinsi sa mga ipinagawa ko [ sa kanila] sa pelikula," nakakaintrigang pahayag ni Darryl.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.