Sanya Lopez at Ken Chan, nagkatrabaho ulit pagkatapos ng sampung taon

by Jojo Gabinete
Sep 7, 2021
Ken Chan on working again with Sanya Lopez: "Sa loob ng isang dekada, ngayon lang uli kami nagkatrabaho ni Sanya. Ten years ago, pinag-uusapan namin sana magkatrabaho kami. Dumating na yung perfect time."
PHOTO/S: GMA Network

Ang That Thin Line Between na pinagbibidahan nina Ken Chan at Sanya Lopez ang pilot episode ng Regal Studio Presents, ang weekly drama anthology na collaboration ng GMA Network Inc. at ng Regal Entertainment Inc.

Magsisimula itong mapapanood tuwing Sabado sa September 11.

Ngayong Martes ng tanghali, September 7, humarap sa entertainment writers, sa pamamagitan ng Zoom presscon, ang GMA-7 executive na si Joey Abacan at ang Regal producers na sina Mother Lily at Roselle Monteverde.

Sinagot nila ang lahat ng katanungan tungkol sa pagbabalik ng kanilang partnership na unang nabuo noong 1985.

Bukod kina Sanya at Ken, kasama rin sina Gabbi Garcia, Kahlil Ramos, Sofia Pablo, Allen Ansay, at Sandro Muhlach sa ginanap na virtual media conference dahil sila ang mga bida sa mga susunod na episode ng Regal Studio Presents.

Ang Walang Tulugan with the Master Showman, ang late Saturday night show ni German Moreno, ang unang regular TV show nina Sanya at Ken.

Continue reading below ↓

Makalipas ang sampung taon, ngayon lamang magkakasama ang dalawa sa isang drama anthology kaya nagpapasalamat sila sa GMA-7 at sa Regal.

Sabi ni Sanya, “Sobrang happy talaga kami. Yun lagi ang pinag-uusapan namin ni Ken Chan. Dati naming pangarap lang ‘to.

“Nanonood lang kami dati na sana maging ganoon din tayo [tulad] sa kanila, and sobrang happy talaga nagka-partner kami ni Ken.”

Hindi nakakalimutan ni Sanya na ang Kapuso Network ang nagbigay sa kanya ng malaking break sa telebisyon, nang gumanap siya bilang Danaya sa remake ng Encantadia.

Pinagkatiwalaan din siya nina Mother Lily at Roselle para magbida sa 2018 sexy drama movie na Wild & Free, katambal si Derrick Monasterio.

Pinatotohanan ni Ken ang kuwento ni Sanya na noon pa man, nangarap na silang magkaroon ng mga proyekto sa GMA-7 at Regal.

Ayon sa Kapuso actor, “Sa loob ng isang dekada, ngayon lang uli kami nagkatrabaho ni Sanya. Ten years ago, pinag-uusapan namin sana magkatrabaho kami.

Continue reading below ↓

“Dumating na yung perfect time.

"And sobrang happy kami ni Sanya na GMA-7 and Regal Films pa ang magiging proyekto naming dalawa. It’s an honor na maging parte.

“Hindi lang kaming mga artista ang nabibigyan ng trabaho kundi mga staff. Alam natin na magandang opportunity ito sa lahat because may trabaho.

"Alam natin kung gaano kahirap ngayon na mawalan ng trabaho because of the pandemic. Sobrang blessed kaming lahat because meron kaming trabaho."

Pinasalamatan ni Ken ang GMA-7 at ang Regal dahil sa safety health protocols na mahigpit na ipinatutupad sa set ng Regal Studio Presents kaya ligtas ang kalusugan ng lahat.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan on working again with Sanya Lopez: "Sa loob ng isang dekada, ngayon lang uli kami nagkatrabaho ni Sanya. Ten years ago, pinag-uusapan namin sana magkatrabaho kami. Dumating na yung perfect time."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results