Launching film ni Maureen Wroblewitz, hindi maipapalabas bago ang Miss Universe Philippines 2021 coronation

by Jojo Gabinete
Sep 7, 2021
Hindi man natuloy ang streaming ng pelikulang Runaway ni Maureen Wroblewitz (left), mapapanood sa Upstream ang American action-thriller na Nobody tampok si Bob Odenkirk (right).
PHOTO/S: @mauwrob Instagram / Nobody

Hindi natuloy noong September 3 ang global streaming ng Upstream.ph sa Runaway, ang launching movie ni Maureen Wroblewitz.

Pabor ito sa 23-year-old model dahil hindi na mahahati ang panahon niya sa pagpo-promote ng pelikula at sa kanyang paghahanda para sa grand finals ng Miss Universe Philippines 2021, na magaganap sa September 25, 2021.

Si Maureen ang unang Pinay na nanalo sa Asia's Next Top Model Cycle 5 noong 2017.

Isang Upstream original movie ang Runaway, at kinunan ang kabuuan nito sa New Zealand.


Continue reading below ↓

Sina Erik Matti at Dondon Monteverde ng Reality Entertainment Inc. ang mga producer ng Runaway, pero hindi pa sila naglalabas ng opisyal na pahayag tungkol sa kanilang desisyong ipagpaliban sa ibang araw ang streaming ng pelikula ni Maureen.

Naging abala rin sina Erik at Dondon nitong mga nagdaang araw dahil inasikaso nila ang world premiere ng On The Job: Missing 8 sa Venice, Italy.

Official entry sa 78th Venice International Film Festival ang action-thriller film na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at John Arcilla.

NOBODY STARRING BOB ODENKIRK

Hindi man natuloy ang world streaming ng Runaway noong September 3, nag-umpisa ngayong Martes, September 7, ang streaming sa Upstream ng Nobody, ang action-thriller film na pinangungunahan ng American actor na si Bob Odenkirk.

Tumagal ng dalawang taon ang training ni Odenkirk para sa kanyang physically demanding role at hindi nabalewala ang mga pinaghirapan niya dahil sa mga positive review sa Nobody.

"Furiously entertaining star vehicle playing a suburban father who finds himself up against the Russian mob" at “betters John Wick in fun action caper,” ang review ng The Guardian sa Nobody.

Continue reading below ↓

Ang Universal Pictures ang distributor ng Nobody, na tiyak na magugustuhan ng mga Pilipino ang kuwento dahil tungkol ito sa isang "average Joe" na hindi natakot gawin ang lahat para maipagtanggol ang kanyang pamilya.

Mapapanood ang Nobody sa Upstream.ph dahil sa nabuong partnership ng Upstream sa NBC Universal.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi man natuloy ang streaming ng pelikulang Runaway ni Maureen Wroblewitz (left), mapapanood sa Upstream ang American action-thriller na Nobody tampok si Bob Odenkirk (right).
PHOTO/S: @mauwrob Instagram / Nobody
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results