Jaclyn Jose, nangibabaw ang husay sa The Housemaid; Kylie Verzosa, nagpakitang-gilas din

by Jojo Gabinete
Sep 8, 2021
Kylie Verzosa (right) on working with Jaclyn Jose in The Housemaid: "Dapat lagi akong handa and hindi ako puwedeng mag-take two. Puwede siya, pero ako, hindi talaga puwede. Si Miss Jaclyn, very quiet lang siya, but at the same time, sasabihin niya rin if you did a good job sa role mo or not."
PHOTO/S: Viva Films

Si Jaclyn Jose ang nangibabaw nang husto sa Philippine adaptation ng The Housemaid, ang launching movie ng former beauty queen na si Kylie Verzosa.

Ginanap ang special online preview ng The Housemaid ngayong Miyerkules ng gabi, September 8.

Si Kylie ang bida sa pelikula pero dahil sa sobrang husay ni Jaclyn, puwedeng-puwedeng siya ang mapagkamalang title role sa pelikula.

Ang The Housemaid ay halaw mula sa South Korean erotic-thriller film na nominado sa Palme d’Or ng Cannes Film Festival noong 2010.

Ang powerful portrayal ni Jaclyn bilang mayordoma sa The Housemaid ang affirmation na karapat-dapat talaga siya sa best actress trophy na napanalunan niya sa 69th Cannes Film Festival noong May 2016.

Hindi inililihim ni Kylie ang paghanga nito kay Jaclyn dahil may mga pagkakataong pinapanood niya ang award-winning actress habang kinukunan ang kanilang mga eksena.

Sabi ng former Miss International, “Pinakamahirap sa akin, lahat ng scenes ko with Miss Jaclyn and Tito Albert [Martinez].

Continue reading below ↓

“Yung kay Miss Jaclyn, dapat lagi akong handa and hindi ako puwedeng mag-take two. Puwede siya, pero ako, hindi talaga puwede.

“Si Miss Jaclyn, very quiet lang siya, but at the same time, sasabihin niya rin if you did a good job sa role mo or not.

“With Miss Jaclyn, gaya nang sabi ni Louise [delos Reyes, ang co-star niya sa The Housemaid], prangka talaga siya.

“Kung hindi ka magaling, sasabihin niya talaga. 'Gawin mo ito, galawin mo ito.'

“Ako kasi, very observant ako, so rehearsal process, sometimes tinitingnan ko lang talaga siya. Ganoon ako, parang that’s when I get informations.

“Sabi niya, ‘Oy, huwag mo akong tingnan. Galaw ka naman.’

“Yun ang small instances na natututo ako sa kanya.

"Kapag nagtsitsika naman kami in between scenes, just by observing her, the way she prepares, nakikita niya lahat, find your light.

“Yun ang mga iba-ibang ways na sobrang na-admire ko talaga siya. Every time we’re in the scene together, parang I can’t believe I’m here.”

Continue reading below ↓

Sa kabila ng mga papuri at paghanga niya kay Jaclyn, hindi rin binigo ni Kylie ang mga nanood sa special preview ng The Housemaid dahil sa kanyang ipinamalas na pag-arte.

May mga sexy at intimate scene si Kylie sa launching movie nito, pero higit na matatandaan ng manonood ang kanyang mahusay na pagganap at ang pakikipagsabayan niya sa pulidong pag-arte nina Albert at Jaclyn.

Nagtagumpay si Kylie na burahin ang pagiging beauty queen para magampanan ang katauhan ni Daisy, na isa sa mga hindi niya malilimutang role sa kanyang four-year-old acting career.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Verzosa (right) on working with Jaclyn Jose in The Housemaid: "Dapat lagi akong handa and hindi ako puwedeng mag-take two. Puwede siya, pero ako, hindi talaga puwede. Si Miss Jaclyn, very quiet lang siya, but at the same time, sasabihin niya rin if you did a good job sa role mo or not."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results