Bea Alonzo at Alden Richards, sisimulan na ang shooting ng pelikula sa October

by Jojo Gabinete
Sep 9, 2021
Bea Alonzo, sasalang muna sa guest appearances niya sa iba't ibang Kapuso shows bago simulan ang shooting ng movie nila ni Alden Richards na A Moment To Remember.
PHOTO/S: GMA Network Online

Ipagdiriwang ni Bea Alonzo sa October 17 ang kanyang 34th birthday.

Siguradong magiging abala siya sa birth month niya dahil uumpisahan na sa susunod na buwan ang shooting nila ni Alden Richards para Philippine adaptation ng A Moment to Remember.

Unang ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 13, 2020 ang pagtatambal nina Bea at Alden sa isang proyekto na co-production venture ng Viva Films at GMA Pictures.

Ang orihinal na plano ay simulan ang shooting ng A Moment to Remember noong March 14, 2021, pero hindi ito natuloy dahil pinaghahandaang mabuti ang pagsasama nina Bea at Alden sa pelikula.

Nauna pa sa shooting ng A Moment to Remember ang paglipat ni Bea sa GMA Network at ang official announcement noong July 1, 2021 na Kapuso na siya.

Nasundan ito ng pagbabakasyon ni Bea sa Amerika kasama ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque.

Tiniyak ng isang production insider na uumpisahan na sa October ang filming ng A Moment to Remember, at ito ang kasagutan para sa mga nagtatanong kung kailan magkakaroon ng katuparan ang Bea-Alden movie team up.

Continue reading below ↓

Bago simulan ang shooting ng A Moment to Remember, uunahin muna ni Bea ang paglabas niya sa mga programa ng GMA-7.

Siya ang special guest sa The Boobay and Tekla Show sa September 12. Iinaasahang magkukuwento si Bea tungkol sa love story nila ni Dominic dahil hindi na nila itinatago ang kanilang relasyon.

Bukod sa guesting niya sa comedy talk show nina Boobay at Tekla, kasama sa mga balak ng GMA-7 na imbitahan si Bea sa ibang mga Kapuso program tulad ng All-Out Sundays at Bubble Gang.

BEA ALONZO

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo, sasalang muna sa guest appearances niya sa iba't ibang Kapuso shows bago simulan ang shooting ng movie nila ni Alden Richards na A Moment To Remember.
PHOTO/S: GMA Network Online
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results