Watch Now

Jeric Gonzales, di natutuwa sa social media posts ni Sheryl Cruz tungkol sa kanila?

by Jojo Gabinete
Sep 10, 2021
Kung bibisitahin ang official Instagram account ni Sheryl Cruz ay makikita ang marami niyang posts tungkol sa former leading man na si Jeric Gonzales, na tila nagpapahiwatig na may namamagitan sa kanila. Ngunit ayon sa isang malapit kay Jeric, hindi raw ito ikinatutuwa ng Kapuso actor.
PHOTO/S: Instagram

Mariing itinatanggi ni Jeric Gonzales ang balitang nagkamabutihan at nagkaroon sila ng relasyon ni Sheryl Cruz sa set ng Magkaagaw, ang afternoon drama series ng GMA-7 na nagwakas noong March 31, 2021.

Pero may post ang 47-year-old actress sa kanyang official Instagram account ng video ng kissing scene nila ni Jeric sa Magkaagaw.

May caption itong “I love you so bad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post din si Sheryl ng kanilang TikTok videos na may caption namang "Di ka nakakasawang tignan pagmasdan ang yong mata."

Pareho itong may petsang August 29 at naka-tag ang pangalan ng aktor.

Isang malapit kay Jeric ang nagsabing hindi na natutuwa ang 29-year-old actor sa mga social media post ni Sheryl na tila nagpapahiwatig na may relasyon sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil hindi na nasisiyahan si Jeric sa mga nangyayari, nag-unfollow o hindi na niya sinusubaybayan ang Instagram account ni Sheryl.

Pero hindi na rin follower ng Kapuso actor sa social media ang dating kapareha.

Palaisipan naman sa mga tao sa paligid ni Jeric ang tunay na motibo ni Sheryl sa mga post nito tungkol sa kanilang dalawa ni Jeric.

Ito ay kahit nanindigan si Jeric na walang katotohanang pinasalubungan niya ang aktres ng mga produkto mula sa Baguio City nang magbakasyon siya sa nabanggit na siyudad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa IG post ni Sheryl noong July 19, 2021, may mga pasalubong sa kanya si Jeric nang bumalik ito mula sa Baguio City.

THERE'S SOMETHING ABOUT BAGUIO

Ilang araw nang ginagamit ng netizens na meme at katatawanan sa social media ang Baguio City dahil sa pahayag ni Paolo Contis na isinama nito sa Baguio City si Yen Santos "as a friend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Yen ang a itinuturong third party sa paghihiwalay nina Paolo at LJ Reyes.

Pero nauna nang nagkaroon ng isyu sina Jeric at Sheryl na damay ang City of Pines.

Naging kontrobersiyal din ang Baguio City noong nakaraang buwan nang ipag-utos ni Mayor Benjamin Magalong na imbestigahan ang grupo ni Arjo Atayde na lumabag umano sa health protocols laban sa COVID-19 na ipinatutupad ng kanyang administrasyon.

Nagpositibo si Arjo at ang ibang mga kasamahan nito sa COVID-19 sa shooting ng kanyang bagong pelikula sa Baguio City, pero bumalik siya sa Maynila.

Hindi ito nagustuhan ni Magalong na pinaratangan ng pagtakas ang aktor.

Hindi rin nagpaawat ang TV5 sa paggamit sa Baguio City na special mention sa social media plugs ng Kapatid Network na “Mga Kapatid sa Baguio at iba pang panig ng bansa! Mas pinalakas at pinalawak pa ang signal natin!” para sa The Wall, Ang Probinsyano, at Init Sa Magdamag.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung bibisitahin ang official Instagram account ni Sheryl Cruz ay makikita ang marami niyang posts tungkol sa former leading man na si Jeric Gonzales, na tila nagpapahiwatig na may namamagitan sa kanila. Ngunit ayon sa isang malapit kay Jeric, hindi raw ito ikinatutuwa ng Kapuso actor.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results