Paolo Contis, pinrotektahan si Yen Santos sa kanyang statement tungkol sa breakup nila ni LJ Reyes

by Jojo Gabinete
Sep 10, 2021
Sa kabila ng pahayag ni Paolo Contis na magkaibigan lamang sila ni Yen Santos, marami ang naniniwalang higit pa sa pagiging magkaibigan ang relasyon nila.
PHOTO/S: Courtesy of Netflix

Lingid sa kaalaman ng marami, nagpakita ng interes si Yen Santos na lumipat sa GMA-7.

Nangyari ito anim na buwan na ang nakalilipas bago nasangkot ang kanyang pangalan sa highly-publicized breakup nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Walang nangyari sa pag-uusap ng magkabilang-panig dahil hindi na sinagot ni Yen ang mga sumunod na mensahe sa kanya kaya hindi natuloy ang negosasyon.

Hindi pa nagsasalita si Yen tungkol sa pagkakasangkot niya sa pagwawakas ng anim na taong relasyon nina Paolo at LJ.

Inako na ni Paolo ang lahat ng mga pagkakamali, at inamin ang kanyang pagiging marupok.

Base sa kanyang official statement, pinrotektahan niya si Yen na sentro ngayon ng mga matitinding batikos at masasakit na salita dahil hindi naniniwala ang publiko na magkaibigan lamang sila.

Hindi sa pinangungunahan namin si Paolo, pero mas nakabuti siguro na kung totoo mang may relasyon sila ni Yen, inamin na lang sana niya para isang bagsakan o hindi na masundan at madagdagan pa ang mga panlilibak sa kanila.

Continue reading below ↓

After all, hindi siya natakot na aminin ang kanyang karupukan.

At alam nating lahat na, kahit kailan, hindi sumasablay ang Bible verse na "The truth shall set you free, John 8:32."

HOTTEST ISSUE

Pinagpistahan at patuloy na pinagpipistahan ng bayan ang alleged love triangle nina LJ, Paolo, at Yen.

Wala pa kasing bago at mas kontrobersiyal na pangyayari sa showbiz na puwedeng umagaw at pumukaw sa interes ng publiko.

Pero tulad ng mga nakaraang eskandalo, lumilipas ang lahat ng mga isyu.

Marami ang nakisawsaw at nagbigay ng sari-saring opinyon at reaksiyon, na normal nang ginagawa ng mga tao—ordinaryo man o mga personalidad na kilala.

May mga kapwa artista sina Paolo, LJ at Yen na hindi naawat ang sarili dahil nakialam at nagsalita, kahit hindi nila alam ang buong katotohanan.

Isang personalidad mula sa entertainment industry ang walang takot na hinusgahan si Paolo na patunay ng pagkakaroon niya ng maiksing memorya.

Continue reading below ↓

Minsan sa isang bahagi ng kanyang buhay, nakiapid sa isang taong may asawa at mga anak ang showbiz personality kaya wala itong karapatang maging mapanghusga, magbigay ng payo, at magpanggap na malinis dahil makasalanan din siya.

Sabi nga: “He that is without sin among you, let him first cast stone at her, John 8:7.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng pahayag ni Paolo Contis na magkaibigan lamang sila ni Yen Santos, marami ang naniniwalang higit pa sa pagiging magkaibigan ang relasyon nila.
PHOTO/S: Courtesy of Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results