Diego Loyzaga ikinuwento ang bad experience sa isang gay

by Jojo Gabinete
Sep 11, 2021
Diego Loyzaga, Christian Bables, Sean De Guzman
Left photo: Gumaganap na magkapatid sina Diego Loyzaga (left) at Christian Bables (right) sa "Bekis On The Run." Right photo: Lovers naman sina Sean De Guzman (left) at Christian sa nabanggit na pelikula.
PHOTO/S: Courtesy of Viva Films

Magkapatid sina Diego Loyzaga at Christian Bables sa Bekis on The Run pero matipid ang pagsasalita nila tungkol sa kuwento ng kanilang pelikula.

Tikom ang kanilang mga bibig para raw hindi mawala ang element of surprise sa proyektong mula sa panulat ng award-winning writer na si Ricky Lee at sa direksyon ng multi-awarded director na si Joel Lamangan.

Sinabi noon ni Christian na hindi muna siya tatanggap ng gay roles, pero hindi ito nangyari dahil hindi niya pinalampas ang pagkakataong makatrabaho si Joel.

Nang tanungin kung homophobic sila ni Diego bago nila pinasok ang pagiging artista, hindi ang sagot ni Christian.

“When I did Die Beautiful, ang reference ko yung mga kaibigan ko na gays. Sa kanila ako nagtatanong, nagpapaturo, so I have nothing against them even before,” ang sagot ni Christian.

Iniiwasan naman ni Christian ang mga tanong tungkol sa love scene nila ni Sean De Guzman sa Bekis on The Run dahil hindi raw iyon ang selling point ng kanilang pelikula.

Continue reading below ↓

Kung may kapangyarihan siguro si Christian, hindi rin niya papayagang lumabas ang still photos ng intimate scenes nila ni Sean sa pelikula.

On the other hand, teenager si Diego nang magkaroon siya ng hindi magandang karanasan sa isang gay, pero hindi ito naging sanhi para maging homophobic siya.

“Merong instance but it’s not because he was gay. I was younger, I was something like 13 or 14 and this specific gay dude, wala siyang filter.

“Ang dami niyang itinanong sa akin and meron siyang binanggit about my family na hindi ko nagustuhan, pero hindi naman ako naging bastos sa kanya.

“Sinagot ko lang siya noong medyo off yung sinabi niya.

“I don’t think it would matter if he’s gay or straight or girl or boy or tomboy or whatever.

"I think if it’s rude, it’s rude. It doesn’t matter what your sexual orientation is kaya ko lang siya sinabihan na I don’t like what you asked me, ‘coz it’s about a family member who passed away.

Continue reading below ↓

“It’s kinda off, pero aside from that wala akong maisip o maalaala,” ang kuwento ni Diego tungkol sa rude gay na nakaengkuwentro niya noong baguhan pa lamang siya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Left photo: Gumaganap na magkapatid sina Diego Loyzaga (left) at Christian Bables (right) sa "Bekis On The Run." Right photo: Lovers naman sina Sean De Guzman (left) at Christian sa nabanggit na pelikula.
PHOTO/S: Courtesy of Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results