Sanya Lopez, excited mapanood ang onscreen chemistry nila ni Ken Chan

by Jojo Gabinete
Sep 11, 2021
Sanya Lopez, excited sa premiere na The Thin Line Between, ang pilot episode ng GMA Regal Studio Presents, na ipapalabas ngayong gabi, 8:30 p.m. sa GMA-7. Sabi niya, "Yung excitement nandoon, gusto kong mapanood mamaya yung magiging chemistry namin ni Kem Chan dahil first time namin na magkatambal.”

Maghalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Sanya Lopez dahil sila ni Ken Chan ang mga bida sa The Thin Line Between, ang pilot episode ng GMA Regal Studio Presents na mapapanood ngayong Sabado, September 11, 8:30 pm.

Excited si Sanya dahil sa unang pagtatambal nila ni Ken sa isang drama anthology, kahit nagkasama na sila sa Walang Tulugan with the Master Showman sampung taon na ang nakararaan.

Kinakabahan din si Sanya dahil sa kanila ni Ken ipinagkatiwala ang pilot telecast ng programa na itinuturing niyang big collaboration ng GMA-7 at ng Regal Entertainment Inc.

Pag-amin niya, “Nakakakaba kasi it’s a big collaboration between GMA-7 and Regal Entertainment Inc.

"Yung excitement nandoon, gusto kong mapanood mamaya yung magiging chemistry namin ni Kem Chan dahil first time namin na magkatambal.”

Isang online seller na may pangalang Gemma Rose ang role ni Sanya sa The Thin Line Between at tulad ng kanyang karakter, may plano siyang subukan ang online selling para mabawasan ang mga gamit na hindi na niya kailangan.

Continue reading below ↓

“If ever, feeling ko yung mga damit ko rin [ang ibebenta online]. May mga damit ako na isang beses ko lang ginamit. Nagpaplano ako talaga na magkaroon ng ganyang business at sana po abangan ninyo dahil sisiguraduhin ko na maganda ito,” ang sabi ni Sanya na hindi makapaniwalang darating ang panahong mabibigyan siya ng Regal Entertainment Inc. ng mga project sa pelikula at telebisyon.

“Nakakatuwa lang talaga na pinagkatiwalaan ako ng Regal.

“Sigurado po ba kayo? Yun ang lagi kong sinasabi kasi sino ba naman ako para pagkatiwalaan? Grabe yung pasasalamat ko sa Regal.

“Sa mga hindi po nakakaalam, ang Wild and Free [ang launching movie niya noong 2018] po ay under Regal.

“Thankful po talaga ako kay Mother Lily [Monteverde], kay Miss Roselle na nagbigay po sa akin ng tiwala para magkaroon ako ng sariling pelikula.”

Kung may tuwang-tuwa sa tagumpay ng showbiz career ni Sanya, ito ay ang nanay at lola niya na hindi nagkukulang sa pagbibigay sa kanya ng mga payo at madalas na pinaaalalahanan siyang huwag makalilimot sa pagpapasalamat sa Diyos.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, “Masayang-masaya po sila. Lagi naman po silang nakasuporta sa akin. Minsan tatawag sa akin si Mommy, yung lola ko, ‘Kumusta ka diyan? Masaya kami para sa’yo pero lagi mo lang iingatan ang sarili mo at huwag mong kakalimutan yung nasa Itaas.’

“Lagi nilang sinasabi sa akin na ‘Kung hindi dahil sa Kanya, wala ka rin naman dito,’ kaya lagi po akong nagpapasalamat sa Itaas.”

Kailan ba ang huling pagkakataong napaiyak si Sanya dahil sa kaligayahan at sa labis na pagpapasalamat sa Panginoong Diyos?

Pagbabalik-tanaw niya, “Noong First Yaya.

Ang First Yaya ang top-rating teleseryeng pinagbidahan nina Sanya at Gabby Concepcion na umere sa Kapuso network mula Marso hanggang Hulyo ngayong taon.

"Hindi naman iyak na iyak pero iyak lang na, 'Lord, thank you ha? Thank you kasi sa panahon ngayon na ganito ang mga nangyayari, ganito ang sitwasyon ng lahat, hanggang ngayon bine-bless N’yo po ako palagi at hindi ko alam kung ano yung meron ako para i-bless N’yo ako nang sobra-sobra.'

Continue reading below ↓

“Minsan naiiyak na lang ako, 'Lord thank you at sana yung ibang tao, magkaroon din ng ganoong blessings.'”

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez, excited sa premiere na The Thin Line Between, ang pilot episode ng GMA Regal Studio Presents, na ipapalabas ngayong gabi, 8:30 p.m. sa GMA-7. Sabi niya, "Yung excitement nandoon, gusto kong mapanood mamaya yung magiging chemistry namin ni Kem Chan dahil first time namin na magkatambal.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results