John Arcilla, best actor sa 78th Venice International Film Festival

by Jojo Gabinete
Sep 12, 2021
erik matti, john arcilla
Tinanghal na best actor sa 78th Venice International Film Festival si John Arcilla para sa pelikulang "On The Job: The Missing 8." Panghihinayang daw ni John, hindi siya nakadalo sa awards night ng nabanggit na filmfest para matanggap at mahalikan nang personal ang kanyang trophy, kagaya ng ginawa ng mga naunang aktor na nagwagi noon. Si Direktor Erik Matti na nasa awards night ang tumanggap ng trophy ni John.
PHOTO/S: Screenshot from the 78th Venice International Film Festival awards night

Si John Arcilla ang nanalo ng Coppa Volpi for Best Actor sa awards ceremony ng 78th Venice International Film Festival na ginanap noong September 11, 2021 sa Venice, Italy.

Nanalo si John para sa kanyang mahusay na pagganap sa On The Job: The Missing 8, ang crime thriller film ng multi-awarded director na si Erik Matti na In Competition sa Venice Film Festival.

Hindi nakasama si John sa On The Job delegates sa Venice kaya ipinakita na lamang sa naganap na awards ceremony ang kanyang recorded acceptance speech.

“If there’s something that I really regret tonight is because I won’t be able to kiss my own Volpi Cup there in the middle of Venice, and on that red carpet just like the other 77 great actors whom I admire, who have already kissed their own, this most wonderful and prestigious award that one actor can have.

“I’m also the happiest actor tonight, of course, also because I know that we came from different countries and we have different languages and cultures and yet, I can feel oneness tonight and I can feel that you understand me and we understand each other, just because of the art of cinema. So thank you, thank you so much,” ang pasasalamat ni John na nagbihis din nang pormal para sa kanyang recorded acceptance video.

Continue reading below ↓

John Arcilla

Si Erik ang tumanggap ng Volpi Cup ni John at kinilala rin niya ang husay ng lahat ng mga artista ng On The Job: The Missing 8 nang magpasalamat siya.

“We share this award with the ensemble casting that we have aside from John who really did a good job, everything in the cast was really good. Thank you!”

Continue reading below ↓

Erik Matti

Isang corrupt journalist na naghahanap ng katarungan para sa kanyang mga kasamahan at sa mga preso na lihim na pinalalaya mula sa kulungan para gamitin sa political assassinations, ang karakter ni John sa kanyang award-winning performance sa On The Job: The Missing 8.

Continue reading below ↓

Ironically, dalawang araw bago siya nanalong best actor sa Venice filmfest, inilabas ni John sa kanyang Twitter account ang labis na pagkadismaya niya sa mga corrupt Filipino politicians.

“Nakakapun…..ang mga pulitikong inuuna pa ang raket kesa sa kapakanan ng mga Pilipino at buhay ng tao.

“Palipasin niyo man lang ang pandemyang ito tsaka niyo na balikan ang kagarapalan kung di kayo maawat! Nangangamatay na ang mga tao! Mahiya naman tayo! Nakakagalit na nang husto!” ang tweet ni John.

Binura niya rin ito makalipas ang isang araw dahil ayaw na raw niya ng culture of hate at sa ngalan ng kanyang pumanaw na kapatid na si Teresita.

Ayaw ko na ng Culture of HATE. Sa ngalan ni Teresa aking kapatid na sinalubong na ng Maykapal binabawi ko ang galit sa una kong tweet. Panalangin ko na lang sa mga INAASAHAN NATIN pero NALULUNOD sa KAPANGYARIHAN ng SALAPING dapat ay para sa MAMAMAYAN. NAWAY MAGISING NA SILA.

Continue reading below ↓

Naglabas din siya ng kanyang sama ng loob laban sa korupsyon sa gobyerno sa interview na ito:

John Arcilla says his sister died because of social injustice.
Video: Jimpy Anarcon (video), Rommel R. Llanes (edit).

Ang mga sumusunod ang ibang mga nagwagi sa 78th Venice Film Festival;

Golden Lion for Best Film: L’Évenement (Happening) - Audrey Diwan (France)

Silver Lion - Grand Jury Prize: È Stata La Mano Di Dio (The Hand of God) - Paolo Sorrentino (Italy)

Continue reading below ↓

Silver Lion - Award for Best Director: Jane Campion, The Power of the Dog (New Zealand, Australia)

Coppa Volpi for Best Actress: Penélope Cruz, Madres Paralelas (Parallel Mothers), by Pedro Almodóvar (Spain)

Best Screenplay - Maggie Gyllenhaal, The Lost Daughter

Special Jury Prize: Il Buco, Michelangelo Frammartino (Italy, France, Germany)

Marcello Mastroianni Award for Best Young Actor or Actress: Filippo Scotti, E Stata La Mano Di Dio (The Hand of God) Paolo Sorrentino (Italy)

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinanghal na best actor sa 78th Venice International Film Festival si John Arcilla para sa pelikulang "On The Job: The Missing 8." Panghihinayang daw ni John, hindi siya nakadalo sa awards night ng nabanggit na filmfest para matanggap at mahalikan nang personal ang kanyang trophy, kagaya ng ginawa ng mga naunang aktor na nagwagi noon. Si Direktor Erik Matti na nasa awards night ang tumanggap ng trophy ni John.
PHOTO/S: Screenshot from the 78th Venice International Film Festival awards night
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results