Dennis Trillo, nakapagpa-picture sa kanyang "Tito" Bong Joon-ho

by Jojo Gabinete
Sep 12, 2021
Bong Joon-ho, dennis trillo
Bukod sa pagpapa-picture, nakapagpapirma rin si Dennis Trillo ng kanyang "Parasite" book kay South Korean director na si Bong Joon-ho.
PHOTO/S: @dennistrillo Instagram

Isang hindi-makalilimutan na karanasan para sa Legal Wives lead actor na si Dennis Trillo ang kauna-unahan na pagkakataon na pagdalo niya sa 78th Venice International Film Festival sa Venice, Italy.

Opisyal na kalahok ang pelikula nila ni John Arcilla, ang On The Job: The Missing 8.

Memorable para kay Dennis ang makapanindig-balahibong limang minutong standing ovation ng mga dumalo sa world premiere ng On The Job: The Missing 8 noong September 10, 2021.

Nakita rin niya nang personal sa awards ceremony ng nasabing festival ang mga international star gaya ni Penelope Cruz, ang hinirang na best actress para sa Madres Paralelas at Maggie Gyllenhall, ang best screenplay winner para sa The Lost Daughter.

Higit sa lahat, nagkaroon si Dennis ng tsansa na makapagpakuha ng litrato na kasama si Bong Joon-ho, ang presidente ng International Jury of the Competition ng 78th Venice International Film Festival.

Si Bong Joon-ho ang direktor ng Parasite, ang South Korean black comedy thriller na nanalo ng Palme d’Or, ang pinakamataas na parangal sa 72nd Annual Cannes Film Festival; Best Foreign Language Film sa 76th Golden Globe Awards; at Best Picture sa 79th Academy Awards.

Continue reading below ↓

Pinapirmahan ni Dennis kay Bong Joon-ho ang kanyang dalang Parasite book at in jest, nilagyan ng aktor ng caption na “Labyu Tito Bong" ang kanilang larawan na magkasama sa Instagram post niya.

dennis trillo and bong joon-ho at the venice international film festival.

May “karapatan" si Dennis na mag-claim na "tito" niya ang sikat na South Korean director dahil sa tunay na buhay, Abelardo Dennis Florencio Ho ang kanyang tunay na pangalan.

Continue reading below ↓

Mapapanood sa Biennale Channel sa YouTube ang mga video ng press conference ng On the Job: The Missing 8; ang red carpet walk ni Dennis at ng mga producer ng pelikula na sina Erik Matti, Dondon Monteverde, Ernest Escaler, at Quark Henares; at ang awards ceremony ng Venice Film Festival.

Quark Henares, Ernest Escaler, Dondon Monteverde, Dennis Trillo, Erik Matti

Continue reading below ↓

Mahigpit ang pagpapatupad ng safety protocols sa awards night katulad ng one seat apart sa audience seats at pagsusuot ng facemask ng lahat ng mga dumalo.

erik matti, dondon monteverde

Continue reading below ↓

Kung tatalasan ng YouTube viewers ang kanilang mga mata, makikita nila sa audience gallery ng 78th Venice Film Festival sina Erik, Dondon, at si Dennis na mapapansin dahil sa kasuotan nitong Barong Tagalog.

dennis trillo instagram

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa pagpapa-picture, nakapagpapirma rin si Dennis Trillo ng kanyang "Parasite" book kay South Korean director na si Bong Joon-ho.
PHOTO/S: @dennistrillo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results