Louise delos Reyes, karangalan na makatrabaho sina Jaclyn Jose at Albert Martinez

by Jojo Gabinete
Sep 12, 2021
Louise delos Reyes on The Housemaid.
Gustung-gusto ni Louise delos Reyes ang pagiging prangka ni Jaclyn Jose at kumportable naman siya agad sa gumaganap na asawa niya sa The Housemaid na si Albert Martinez.
PHOTO/S: @louise.dr Instagram

Kahit si Kylie Verzosa ang title role sa The Housemaid, hindi naramdaman ni Louise delos Reyes na suporta ang role niya bilang buntis na asawa ni Albert Martinez dahil importante sa kuwento ng pelikula ang lahat ng mga karakter.

“Acting ensemble siya,” ang paliwanag ni Louise na kapani-paniwalang buntis dahil sa silicone prosthetics pregnant belly na ipinagamit sa kanya.

louise delos reyes

Continue reading below ↓

“Hindi magwo-work ang isang karakter kung wala ang isang karakter.

“Itong project na ’to, sobrang challenging para sa akin kasi hindi ako madalas na nabibigyan ng dark character. Madalas na ibinibigay sa akin, it’s either comedy or drama.

“Sobrang mali kung pag-iisipan mo na hindi tanggapin itong project na ’to. Kahit anong role dito, may bigat sa story. Walang in passing lang, walang palamuti sa movie.

“Lahat ng projects na tinatanggap ko, maggo-grow ako as an artist or yung talagang sasabihin ko na ginawa ko ang movie at I’m super proud of it.”

Isang karangalan para kay Louise na makatrabaho sa pelikula si Albert Martinez at ang 2016 Cannes best actress na si Jaclyn Jose dahil sa mga natutunan niya habang ginagawa nila ang The Housemaid.

Ikinuwento ni Louise na naging kumportable agad siya kay Albert at gustung-gusto niya ang pagiging prangka ni Jaclyn na hindi nangingiming magsalita kapag nakukulangan siya sa pag-arte ng mga kanyang mga kasama sa eksena.

Continue reading below ↓

“Si Kuya Albert, mararamdaman mo agad na magiging comfortable ka sa kanya.

“Napaka-open niya na tao, open siya sa ideas, sa nuances na ibibigay mo sa kanya so parang walang naging wall.

"Yung character ko, wife ako ni Kuya Albert so dapat comfortable ka na sa kanya.

“With Tita Jane [Jaclyn], sobrang prangka niya. Kapag nakukulangan siya sa acting mo, sasabihin niya.

“Kapag meron siyang suggestions na magbe-benefit both yung karakter niya saka yung karakter ko, sasabihin niya rin.

“Sasabihin din nila [Jaclyn and Albert] kapag nagustuhan nila yung nakita nila sa inyo. Yun ang pinaka-rewarding na part dahil pumasa ako,” kuwento ni Louise na puring-puri rin ng direktor na si Roman Perez Jr. dahil sa pag-arte na ipinamalas niya sa The Housemaid.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gustung-gusto ni Louise delos Reyes ang pagiging prangka ni Jaclyn Jose at kumportable naman siya agad sa gumaganap na asawa niya sa The Housemaid na si Albert Martinez.
PHOTO/S: @louise.dr Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results