Andrew E. katambal ang bagong pantasya ng bayan na sina AJ Raval at Sunshine Guimary

by Jojo Gabinete
Sep 13, 2021
Sino kina AJ Raval (left) at Sunshine Guimary (right) ang bibihag sa puso ni Andrew E. sa Shoot Shoot! Di Kita Titigilan?
PHOTO/S: Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan

Hindi makapaniwala si Andrew E. na makalipas ang tatlong dekada, nagbibida pa rin siya sa mga pelikula.

Lalo pa niyang na-appreciate ang kanyang karera dahil sumailalim sa operasyon ang rapper-comedian bago idineklara sa Pilipinas ang coronavirus pandemic noong March 2020.

Si Andrew E. ang lead actor sa Shoot Shoot! Di Ko Siya Titigilan, ang comedy movie na tinatampukan nila ng mga sexy star na sina Sunshine Guimary at AJ Raval.

Ayon kay Andrew E., hindi pumasok sa isip niyang makababalik pa siya sa paggawa ng mga pelikula dahil sa robotic surgery sa kanyang shoulder at groin. Nangyari iyon noong February 2020.

Lahad niya, "May cholesterol blockage ako sa right shoulder blade. I underwent two robotic operations.

"Kailangan dalawa kasi mahaba ang blockage. I had to deal with it for two hours and thank God, nalampasan ko."

Aminado si Andrew E. na nabawasan ang lakas ng katawan niya dahil sa operasyon sa kanya.

Continue reading below ↓

"Lately, kino-concern ko yung sarili ko to be of same energy again. To bring back my energy again.

"Kasi, simula noong maospital ako, kung ang tao ay 100 hundred percent ang energy, I was around 40 percent.

"And then came my movie, Pakboys, I was a little bit gaining like 50 or 60 percent energy.

"With Shoot! Shoot!, I was, like, maybe 80 to 90 percent energy. Nagre-recuperate ako. Kahit papaano, hindi ako napapahiya sa aking mga kasamahan sa pelikula.

"Baka isipin nila, I’m carrying the situation just because I want to be pabida.”

Nagpasalamat si Andrew E kina Sunshine, AJ, at sa ibang mga kasamahan nila sa Shoot! Shoot! dahil sa pag-unawa sa kalagayan niya at pag-aalaga sa kanya.

Continue reading below ↓

ANDREW'S SONG 17 YEARS AGO

Ang "Shoot Shoot!" ang hit na kanta ni Andrew E. sa TikTok, pero iilan ang nakakaalam na 17 taon na ang nakalilipas mula nang isulat niya ang nasabing kanta.

"I wrote 'Shoot Shoot' in 2003. I was thinking noong panahon na ‘yon, usong-uso yung mga long-distance relationship.

"Noong pumasok ‘yon sa isip ko, might as well gumawa ako ng kanta about long-distance relationship na very imaginative."

Nalaman lang ni Andrew E. na sikat na sikat sa TikTok ang "Shoot Shoot!" dahil sa kanyang mga anak.

Lahad niya, "Nagulat nga ako. It was my kids who were telling me, 'Papa, is this your song?'

"'What song? I don’t have a new one.' 'Shoot Shoot!, it’s all over TikTok.' I can’t believe it."

sexy COMEDY MOVIE

Hindi naman pinalampas ni Andrew E. ang alok ng Viva Films na gamiting pamagat sa pelikulang pinagbibidahan niya ang kanyang kanta na popular sa TikTok.

Continue reading below ↓

Base sa trailer ng Shoot Shoot!, gumaganap na best friends sina Andrew E. at AJ.

Susuportahan ni AJ si Andrew E. sa pangarap nitong mag-audition para maging artista.

Pero biglang magiging bilyonaryo si Andrew E. at magiging lapitin ng mga babae.

Si Sunshine ang isa pa sa mga babaeng maghahabol sa kanya. Sino ang pipiliin ni Andrew E.?

Continue reading below ↓

Sa direksyon ni Al Tantay, ang Shoot Shoot! ay ipapalabas sa October 8.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino kina AJ Raval (left) at Sunshine Guimary (right) ang bibihag sa puso ni Andrew E. sa Shoot Shoot! Di Kita Titigilan?
PHOTO/S: Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results