Jayson Vicente, ibinahagi ang wedding march nila ng yumaong partner na si Raymund Isaac

by Jojo Gabinete
Sep 13, 2021
Jayson Vicente to late husband Raymund Isaac: "You’ll be forever in my heart, in my soul and in my faith. I will pray harder that Covid leave us all. Until we meet again my Menmen. My Husband @raymundisaac I LOVE YOU."
PHOTO/S: @chocol8man on Instagram

Aktibo na uli ang Facebook accounts ng pumanaw na celebrity photographer na si Raymund Isaac at ng kanyang partner na si Jayson Vicente.

Temporarily unavailable ang Facebook accounts ng dalawa noong September 7.

Ipinagtaka ito ng kanilang mga kaibigan at followers na umaasa lamang sa mga update post ni Jayson tungkol sa kalagayan at, eventually, sa pagyao ni Raymund dahil sa COVID-19 sa isang ospital sa San Francisco, California, noong September 3.

Ngayong Lunes, September 13, ibinahagi ni Jayson sa kanyang Instagram account ang mga video ng pagpapakasal nila ni Raymund sa Las Vegas, Nevada, noong July 15, 2021.

Sa unang selfie video, nag-uusap sina Jayson at Raymund tungkol sa kanilang mga nararamdaman bago naganap ang wedding ceremony.

Kinakabahan si Jayson, samantalang ang pagiging acidic at ang mga bisita na kanilang aasikasuhin ang inaalaala ni Raymund.

Mapapanood naman sa ikalawang video ang wedding march nina Jayson at Raymund, na magkapareho ang suot at magkahawak-kamay.

Continue reading below ↓

Sa caption, sinabi ni Jayson na may plano sila ni Raymund, o Menmen, na gumawa ng vlog tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib pero na hindi ito natupad dahil sa pagpanaw ng kanyang asawa.

Mararamdaman sa mga salita ni Jayson ang labis na pangungulila kay Raymund, pero magpapakatatag daw siya dahil ito ang kanyang binitiwang pangako.

Lahad ni Jayson, “We are suppose to do a vlog for our very special day of our life. Our wedding 07.15.2021

“The smile in our eyes Menmen on this video. Look, kung gaano tayo kinakabahan. (Sorry for the “T” word)

“My heart is burning with sadness. I will try my best to remain strong as I promised to you. Our colorful 12 years together will be my strength for the coming years to come.

“You’ll be forever in my heart, in my soul and in my faith. I will pray harder that Covid leave us all.

Continue reading below ↓

"Until we meet again my Menmen. My Husband @raymundisaac I LOVE YOU."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jayson Vicente to late husband Raymund Isaac: "You’ll be forever in my heart, in my soul and in my faith. I will pray harder that Covid leave us all. Until we meet again my Menmen. My Husband @raymundisaac I LOVE YOU."
PHOTO/S: @chocol8man on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results