John Arcilla "amazed" sa pagkapanalo niyang Best Actor sa Venice Film Festival

by Jojo Gabinete
Sep 13, 2021
John Arcilla: "This VOLPI CUP is the exact symbol of my Cup of Life right now filled with all your tributes!"

Trending ngayon sa HBO Go Asia ang On The Job.

Hindi maipagkakailang malaki ang naitulong ng acting award na napanalunan ni John Arcilla sa 78th Venice Film Festival noong September 11, kaya lalong nadagdagan ang interes ng mga Pilipino na panoorin ang pelikula ng direktor na si Erik Matti.

Nagsimula ang streaming sa HBO Go ng On The Job kahapon, September 12.

Naging six-part series ito dahil isinama ang Part 1 na pinagbidahan nina Gerald Anderson, Joel Torre, Joey Marquez, at Piolo Pascual.

Ang On The Job: The Missing 8 na tinatampukan nina John at Dennis Trillo ang naging kalahok sa main competition ng 78th Venice Film Festival.

Sa HBO Go Original Series, nag-umpisa sa Episode 3 ang Part 2 ng On The Job: Missing 8, na may pamagat na "Arnel."

Napanood na namin sa HBO Go ang first three episodes ng On The Job, at aming napatunayang may karapatan talaga si John na magwagi ng Volpi Cup for Best Actor ng 78th Venice Film Festival.

Continue reading below ↓

Pero mahusay rin si Dennis bilang hitman kaya naiintindihan namin ang social media post ni Erik: “We were told there could have been two Volpi Cups. John Arcilla and Dennis Trillo could have been on stage for the same award. Both did an exemplary job."

Parang nanalo na rin ang pakiramdam ni Dennis dahil personal niyang tinanggap ang papuri ni Parasite director at 78th Venice Film Festival Jury President Bong Joon-Ho para sa kanyang mahusay na pagganap sa On The Job: Missing 8.

Continue reading below ↓

Hindi nakasama si John sa On The Job delegates sa 78th Venice Film Festival dahil nasa Ilocos Sur siya para sa lock-in taping ng Ang Probinsyano.

Pero ipinadala niya sa Cabinet Files ang kanyang reaksiyon tungkol sa hindi inaasahang tagumpay at malaking biyaya mula sa Panginoong Diyos.

Pahayag ng Venice Filmfest Best Actor: “I’m still amazed. What a journey. Thank you.

"This VOLPI CUP is the exact symbol of my Cup of Life right now filled with all your tributes!

“My cup is full of love and joy from you and from the heavens. This is for you and me. This is us. Cheers to everyone!”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Arcilla: "This VOLPI CUP is the exact symbol of my Cup of Life right now filled with all your tributes!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results