Senado, inaprubahan nang gawing Fernando Poe Jr. Avenue ang Roosevelt Avenue

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2021
Inaprubahan na ng Senado ang panukalang palitan na ang Roosevelt Avenue sa Fernando Poe Jr. (FPJ) Avenue bilang pagpupugay sa yumaong King of Philippine Movies.

Nagkaisa ang mga senador sa kanilang pagboto noong Lunes, September 13, na ipangalan kay Fernando Poe Jr. ang Roosevelt Avenue, Quezon City bilang pagkilala at pagpupugay sa King of Philippine Movies.

Binawian ng buhay si FPJ dahil sa cerebral thrombosis at multiple organ failure noong December 14, 2004.

Eksaktong isang taon ngayon nang ihain ni Senator Lito Lapid sa Senado noong September 14, 2020 ang Senate Bill No. 1822.

Ang panukalang batas na ito ay naglalayong ipangalan kay FPJ ang Del Monte Avenue sa Quezon City dahil matatagpuan sa naturang lugar ang FPJ Studios.

Pero mahigpit ang naging pagtutol ng mga pari sa San Francisco Del Monte Church.

Sinabi ng Order of Friars Minor ng Franciscan Province of San Pedro Bautista na may historical, religious, at cultural significance ang Del Monte Avenue na itinuturing nilang sagrado.

Bukod sa alay kay St. Francis, namalagi, nagdasal, nagnilay-nilay, at naglingkod ang Franciscan missionaries at si Pedro Bautista sa San Francisco Del Monte.

Continue reading below ↓

Si Bautista ang paring nagtatag sa San Francisco Del Monte noong February 1590, at idineklara siyang santo noong 1862.

Ang pagtutol ng mga alagad ng simbahan ang dahilan ng mungkahi ni Senate President Tito Sotto na ang Roosevelt Avenue, at hindi ang Del Monte Avenue, ang dapat na pangalanang FPJ Avenue.

Si Sotto ang campaign manager ni Poe nang kumandidato itong Pangulo ng Pilipinas noong May 2004.

Ayon sa kanya, ang Roosevelt Avenue ang lokasyon ng ancestral home ng yumaong action superstar.

Iginiit din ni Sotto na mas malawak ang Roosevelt Avenue kung ikukumpara sa Del Monte Avenue.


Continue reading below ↓

Hindi si Lapid ang unang public servant na nagpanukalang palitan ng FPJ Avenue ang Del Monte Avenue dahil nauna na si Quezon City Councilor Winnie Castelo, ang asawa ng former actress at Quezon City Second District House Representative Precious Hipolito.

Isang press conference ang ipinatawag ni Castelo noong December 2009 sa Annabel’s Restaurant sa Quezon City.

Ipinamahagi niya sa entertainment press ang kopya ng kanyang city council resolution na may pamagat na “An Ordinance renaming Del Monte Avenue to FPJ Avenue in memory of Fernando Poe Jr.,” na inaprubahan noong December 10, 2009 ng Committee on Laws, Rules and Internal Government ng Quezon City.

Ipinagtapat ni Castelo na tagahanga siya ni FPJ, na karapat-dapat daw kilalanin ang pagiging aktor, direktor, at philanthropist.

Pahayag noon ng mambabatas, “Isa siyang huwarang Pilipino na maaaring magsilbing modelo. Kahanga-hanga ang lahat ng ginawa niya nung siya’y nabubuhay.

"Isa siyang inspirasyon dahil 'yong kanyang ginawa ay di lamang sa mundo ng pelikula kung hindi matuturing na natin siyang isang bayani ng bayan."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inaprubahan na ng Senado ang panukalang palitan na ang Roosevelt Avenue sa Fernando Poe Jr. (FPJ) Avenue bilang pagpupugay sa yumaong King of Philippine Movies.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results