AJ Raval, 25, game sa kissing scene nila ni Andrew E., 54

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2021
AJ Raval on leading man Andrew E.: "Sobrang gaan po katrabaho ni Kuya Andrew."
PHOTO/S: Shoot Shoot!

Si AJ Raval, 25, ang kapareha ni Andrew E., 54, sa naughty comedy movie na Shoot Shoot!

Kinaiinggitan ang comedian-rapper ng mga kalalakihan dahil sa kissing scene nila ng sexy star na halos anak na niya, base sa agwat ng kanilang mga edad.

Sa tuwing may pelikulang gagawin si AJ, tinitiyak niyang may koneksiyon sila sa isa’t isa ng nakakatambal niya.

Kaya malaking hamon sa kanya na ang kissing scene nila ni Andrew ang kinunan ng direktor na si Al Tantay sa unang araw ng kanilang pagkikita sa set ng Shoot Shoot!

"Wala po talagang kaming koneksyon ni Kuya Andrew. Idinaan lang namin sa simpleng pag-uusap," salaysay ni AJ.

Kinabahan daw ang sexy star sa pagsasama nila ni Andrew sa isang sexy-comedy movie.

"At first, kinabahan po ako kay Kuya Andrew kasi alam po nating lahat na napakatagal na niya sa industry.

"Napaka-iconic po ni Kuya Andrew tapos makakatrabaho ng baguhan na katulad ko.

Continue reading below ↓

"Parang andoon po yung kaba, parang konting mali papagalitan ako. Parang ganoon po ang tingin ko sa kanya before.

"Pero noong first day shoot po namin, sobrang gaan po katrabaho ni Kuya Andrew."

Sa kaso ni Andrew, "in disbelief" siya sa eksena ng halikan nila ni AJ.

Hindi pa isinisilang si AJ nang magsimula ang showbiz career ni Andrew noong 1990.

Hindi makapaniwala si Andrew na ipapareha siya ng Viva Films sa isang bata at promising actress na gaya ni AJ kaya lubos ang pasasalamat niya sa kanyang home studio.

"Nagkaroon pa ng kissing scene na pinag-uusapan ngayon ng buong bansa," saad ni Andrew E.

Dagdag niya, "Honestly, natutuwa ako pagkatapos ng kissing scene namin, e, hindi siya naospital. Okay naman siya.

"Nanliliit ako na pati ako nagkakaroon ng chance na maihanay at maisama sa mga baguhan na talagang sikat ngayon."

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on leading man Andrew E.: "Sobrang gaan po katrabaho ni Kuya Andrew."
PHOTO/S: Shoot Shoot!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results