Gay personality, ginagamit ang hunk actor para pagselosin ang nakarelasyong dramatic actor

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2021

Ginagamit ng isang gay personality ang hunk actor para inisin ang dramatic actor na nakarelasyon niya. Pero humantong din sa masalimuot na paghihiwalay ang kanilang pagsasama.

Nagpanggap ang gay personality na hindi sinasadyang naipadala niya ang larawan ng hunk actor sa cell phone ng kapatid ng dramatic actor.

Nang sabihin ng kapatid ng dramatic actor na nagkamali sa pagpapadala ng litrato ang gay personality, sinabi nitong ang hunk actor ang ipinalit niya sa dating karelasyon dahil "tuod" (read: walang kabuhay-buhay sa kama) ang dramatic actor.

Hindi naapektuhan ang dramatic actor sa patutsada ng gay personality sa kanyang kapatid.

Ikinatuwa pa ng dramatic actor ang paghihiwalay nila ng gay personality na nagbigay sa kanya ng maraming pasakit.

Napaso nang husto ang dramatic actor, pinagsisisihan ang relasyonng pinasok, at natuto ng isang mahalagang leksyon sa buhay.

Ngayong nakalaya na siya mula sa isang nakasasakal na relasyon, itinutuwid na niya ang mga nagawang pagkakamali.

Continue reading below ↓

Walang naniniwala sa ipinagkakalat ng gay personality na ang hunk actor ang ipinalit niya sa dramatic actor. Kahit sexy ang image ng hunk actor, madasalin, matino, at mabuting tao ito.

Nakatanggap na noon ng mga indecent proposal ang dramatic actor, pero magalang niyang tinanggihan kaya tumaas ang respeto sa kanya ng mga nabigong gay.

Nakarating na sa hunk actor ang kuwentong ipinamamalita ng gay personality na may relasyon sila, pero hindi siya nagpaapekto.

Bukod kasi sa walang katotohanan, hindi niya kilala ang taong nanggagamit sa kanya para pagselosin ang dramatic actor.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results