Marco Gallo, protektado sa butt exposure niya sa pelikula

by Jojo Gabinete
6 days ago
Marco Gallo, walang kiyeme sa pinakamapangahas na eksenang ginawa niya sa kanyang showbiz career. Si Marco ang leading man ni Aubrey Caraan sa Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso.
PHOTO/S: Viva Films

Isang wholesome love story ang Ang Manananggal na Nahahati ang Puso, pero may mga nag-isip na seksi ang pelikula dahil sa butt-exposure scene ng Filipino-Italian actor na si Marco Gallo.

Si Darryl Yap ang direktor ng launching movie nina Aubrey Caraan at Marco, pero hindi siya nahirapang kumbinsihin ang 20-year-old actor na lumaki sa Italy na gawin ang eksena.

Bukod sa kailangan sa kuwento, wala talagang saplot ang European people kapag naliligo sila.

“Kinausap ko siya kung paano sila maligo sa Italy, naked daw,” bungad na salita ni Darryl nang tanungin siya ng Cabinet Files tungkol sa eksena ni Marco sa Ang Manananggal na Nahahati ang Puso.

“Ang Europeans daw, mostly ganoon maligo and they don’t care talaga kasi medyo hindi malisyoso ang mga tao doon.

“Tinanong ko siya kung gusto niyang mag-plaster. Huwag na raw dahil masakit pa at may maglalagay pa [ng plaster].”

Tiniyak ni Darryl na protektado si Marco dahil kinunan itong naliligo habang nasa loob ng isang drum at nakatalikod sa kamera.

Continue reading below ↓

Madalas na binabatikos ng mga basher ang mga pelikula ni Darryl dahil sa mga maseselan at kakaibang tema ng kanyang mga proyekto. Pero may punto siya nang sabihin niyang mas matitindi ang mga eksena ng ibang mga pelikula na napapanood sa Vivamax.

Nang mapag-usapan sa nakaraang media conference ng Ang Manananggal na Nahahati ang Puso ang butt exposure scene ni Marco, ang Filipino-Italian actor pa ang nagsabing dapat ituloy ang pinaplano pero pinipigilang scene drop ng pinakamapangahas na eksenang ginawa niya mula nang magsimula ang kanyang showbiz career noong 2016.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gallo, walang kiyeme sa pinakamapangahas na eksenang ginawa niya sa kanyang showbiz career. Si Marco ang leading man ni Aubrey Caraan sa Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results