Lassy Marquez, deadma sa bashers na nagkumpara sa mukha niya sa puwet ni Marco Gallo

by Jojo Gabinete
Sep 16, 2021
Umabot na sa 8.5 million ang views ng teaser ng Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso, kung saan naliligo nang walang saplot si Marco Gallo (kanan) habang sinisilipan siya nina Chad Kinis, MC Muah, at Aubrey Caraan (inset, taas) pero naudlot dahil sa pag-eksena ni Lassy Marquez (inset, baba).

Ang "pwetmalu" na butt exposure scene ni Marco Gallo sa Ang Manananggal na Nahahati ang Puso ang hindi maitatangging dahilan kaya mabilis na pumalo sa 8.5 million views, across all social media platforms, sa loob lamang ng isang araw ang teaser ng pelikula na inilabas ng Viva Films kagabi, September 15.

Ang lead actress ng Ang Manananggal na si Aubrey Caraan at ang Beks Battalion na sina Chad Kinis, Lassy Marquez, at MC Muah ang kasama ni Marco sa pinag-uusapang eksena sa pelikula.

Naliligo si Marco nang walang saplot habang nasa loob ng orange drum pero nakatalikod siya sa kamera.

Sa eksena, gigil na gigil sina Chad at MC kay Lassy dahil natakpan nito si Marco kaya nabigo ang kanilang paninilip sa naliligong binata.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sari-sari ang reaksiyon ng netizens na naaliw sa teaser na kanilang napanood, pero naging lapastangan sila kay Lassy dahil sa sinabi nilang mas makinis at maputi ang puwet ni Marco kesa sa mukha ni Lassy.

Nagtapat noon si Lassy sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph na bata pa lang, biktima na siya ng bullying dahil sa hitsura niya.

Pero imbes na magpaapekto sa masasakit na komento, idinaan ni Lassy sa pagpapatawa ang kanyang sagot sa bashers niya.

“Sino ba kasi ang nagsabi na mukha ito? Kasi kung mukha ito, malamang na sobra ko itong inalagaan.

"Saka, saan ka nakakita ng puwet na nagsasalita? Oh, di ba, amazing!

"Don’t worry, someday, makikita niyo nang madalas ang mukha ko," reaksiyon ni Lassy sa pagkukumpara ng netizens sa mukha niya at sa puwet ni Marco.

Inggit naman ang naramdaman ni Chad nang makita nito sa shooting ng Ang Manananggal na Nahahati ang Puso ang hubad na katawan ni Marco.

Aniya, “Nakaramdam ako ng inggit kasi sobrang kinis at puti ng puwet ni Marco.

"Napa-sana all na lang talaga ako dahil yung puwet ko, puyat, may eyebags."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Walang naramdamang malisya si MC sa totally naked bath scene ni Marco, pero umiral ang awa niya para kina Chad at Lassy.

“Ako ang nahiya para sa mga kapatid ko kasi awang-awa ako kina Chad at Lassy.

“Hindi ko alam ang eksaktong nararamdaman nila pero alam ko na nasasaktan sila kasi never nila na-achieve ang kinis na ‘yon.

“Pero sa totoo lang, walang malisya talaga dahil ang iniisip ko noon, paano maia-acting nang tama ang lahat para maging masaya ang eksena.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umabot na sa 8.5 million ang views ng teaser ng Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso, kung saan naliligo nang walang saplot si Marco Gallo (kanan) habang sinisilipan siya nina Chad Kinis, MC Muah, at Aubrey Caraan (inset, taas) pero naudlot dahil sa pag-eksena ni Lassy Marquez (inset, baba).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results