Sofia Pablo nagulat sa transformation nina Bruce Roeland, Allen Ansay nitong pandemic

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2021
Tingin ni Sofia Pablo (left), tila nag-ibang tao si Bruce Roeland (center) dahil sa pag-aalaga nito ng pangangatawan. Napansin rin ni Sofia na nag-glow up si Allen Ansay (right).
PHOTO/S: Nice Print Photo / @roelandbruce / @itsmeallenansay Instagram

Ang pagbabago ng pisikal na kaanyuan nina Bruce Roeland at Allen Ansay ang mga napansin ni Sofia Pablo nang magkita sila sa set ng "Raya Sirena."

Ang "Raya Sirena" ay ang second episode ng GMA Regal Studio Presents na mapapanood ngayong araw, September 18, 8:30 p.m., sa GMA-7.

Si Sofia, 15, ang gumanap na Raya Sirena sa GMA Regal Studio Presents.

Una nang nagkasama ang tatlo sa Prima Donnas Book 1, ang afternoon drama series ng Kapuso Network na nagwakas noong February 2021.

Laging gulat na lang ng dalagita sa transformation ni Bruce, na nagbago ang boses, mukha, at buhok.

"Nag-ibang tao siya," tukoy ni Sofia kay Bruce.

Inihayag din ni Sofia ang mga pagbabagong napuna niya kay Allen.

Sabi ni Sofia: "Si Allen, nakakasama ko naman siya weekly during pandemic dahil sa mga vlog at Tiktok shoot namin to connect with the audience.

"Pero nag-glow up po siya."


Continue reading below ↓

BRUCE ROELAND

Ayon kay Bruce, nagpokus siya sa pag-improve ng sarili habang pandemic.

Si Bruce, isang 16-year-old Filipino-Belgian actor, ay naging health buff.

Kuwento niya: "Noong una, I felt very scared and worried po na maaapektuhan yung career ko and my dreams, pero napansin ko na as much as the pandemic is negative, it helped me to improve myself."

Bukod sa pag-alaga ng pangangatawan niya, sinikap din niyang linangin ang sarili sa pag-arte.

"Like me and Allen, we have attended many workshops, acting workshops, singing workshops, communication workshops na nakatulong talaga sa amin.

"Yung pandemic, it helped me improve myself by working out, by eating healthy, by improving my mental health.

"Para kapag natapos na ang pandemic, back to normal, and parang it’s a new me talaga."


Continue reading below ↓

ALLEN ANSAY

Si Allen, 18, ay produkto ng Season 7 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7.

Siya ay laking-probinsya at hanggang ngayon ay taglay pa rin niya ang kasimplehan ng ugali kaya minahal siya ng kanyang mga tagahanga.

Ayon kay Allen, ang transformation niya ay may kinalaman sa mga prayoridad niya dahil sa mga naranasan nitong pandemic.

Paliwanag niya: "Sobrang kinabahan po ako noon kasi kami lang ng kapatid ko sa bahay.

"Yung mama ko, umuwi po sa Bicol, teacher po siya doon. Yung papa ko na seaman, nasa abroad.

"Talagang namulat po ako sa pandemic kasi natuto kami ng kapatid ko na magtipid, mag-ingat, at laging maghugas ng kamay.

"Magka-COVID ka lang po, talagang pahirapan po, magka-quarantine ka, malalayo ka sa pamilya mo.

"Laya ang pinakanatutunan ko, maging maingat sa lahat ng bagay dahil mahalaga po ang buhay."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tingin ni Sofia Pablo (left), tila nag-ibang tao si Bruce Roeland (center) dahil sa pag-aalaga nito ng pangangatawan. Napansin rin ni Sofia na nag-glow up si Allen Ansay (right).
PHOTO/S: Nice Print Photo / @roelandbruce / @itsmeallenansay Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results