Miss World Philippines 2021 coronation night, wala pa ring final date at venue

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2021
Ayon sa Miss World Philippines Organization (MWPO), wala pa ring final date and venue ang matagal nang na-postpone na Miss World Philippines 2021 coronation night. Naglabas ng official statement ang MWPO sa gitna ng naglalabasang fake news ukol sa petsa at venue ng naturang pageant.

Ang pabagu-bagong safety at health protocol guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) ang isa sa mga dahilan kaya hindi pa naglalabas ng pahayag ang Miss World Philippines Organization tungkol sa petsa ng grand coronation night ng Miss World Philippines 2021.

Ang kaligtasan at kalusugan ng mga kandidata at ng production staff ang pinahahalagahan ng Miss World Philippines Organization kaya pinag-aaralan nilang mabuti kung kailan at saan gaganapin ang pinakahihintay na coronation night.

Para hindi malito ang publiko at para maiwasan ang pagkalat ng fake news, naglabas ngayong gabi ang Miss World Philippines Organization ng opisyal na pahayag.

Miss World Philippines 2021

Continue reading below ↓

Ang Miss World Philippines Organization ang may hawak ng mga official franchise ng Miss World, Miss Supranational, Miss Eco International, Miss Multinational, Reina Hispanoamericana, Miss Tourism, Miss Eco Teen International at Miss Environment International.

Si Dindi Joy Pajares ang pinili at ipinadala ng Miss World Philippines Organization sa 12th Miss Supranational na ginanap sa Poland noong August 21, 2021, dahil hindi pa nga naidaraos ang coronation night ng Miss World Philippines.

Sisikapin ng Miss World Philippines Organization na mangyari ang coronation night ng Miss World Philippines 2021 sa lalong madaling panahon dahil kailangan na nilang pumili ng kandidata na magiging kinatawan ng ating bansa sa 30th Reina Hispanoamericana na magaganap sa October 30, 2021 sa Santa Cruz dela Sierra, Bolivia.

Mahalaga rin na makapili na ang Miss World Philippines Organization ng official delegate ng Pilipinas sa 70th Miss World na idaraos sa December 16, 2021 sa San Juan, Puerto Rico para mapaghandaang mabuti ng mananalong kandidata ang international beauty pageant na lalahukan niya.

Continue reading below ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa Miss World Philippines Organization (MWPO), wala pa ring final date and venue ang matagal nang na-postpone na Miss World Philippines 2021 coronation night. Naglabas ng official statement ang MWPO sa gitna ng naglalabasang fake news ukol sa petsa at venue ng naturang pageant.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results