Senator Grace Poe to new Kapamilya Lovi Poe: "I'm sure Papa’s very proud of you."

by Jojo Gabinete
Sep 19, 2021
Lovi Poe, the Precious Jewel of ABS-CBN, gets a warm welcome from ASAP Natin 'To, where her half-sister Grace Poe also gives her a special message.
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram; Screen Grab from ASAP Natin 'To

Sa paglipat ni Lovi Poe sa Kapamilya Channel, binansagan siyang Precious Jewel.

Sa mainit na pagsalubong sa kanya ngayong Linggo ng tanghali, September 19, 2021, sa ASAP Natin ‘To, naisantabi na ang dati niyang titulo sa GMA-7 na Primera Aktresa.

Lovi Poe ASAP Natin 'To

Mangiyak-ngiyak si Lovi habang pinapanood nito ang pre-recorded welcome messages nina Iza Calzado, Janine Gutierrez, Paulo Avelino, Sunshine Dizon at Ogie Alcasid—na mga dati niyang kasamahan sa Kapuso network na nauna nang lumipat sa Kapamilya Network.

Continue reading below ↓

Nagbigay din ng mensahe para kay Lovi sina Coco Martin, Piolo Pascual, at Martin Nievera—na naging bahagi ng mga GMA-7 shows noon bago sila naging mga contract star ng ABS-CBN.

Ikinagulat at ikinatuwa nang husto ni Lovi ang hindi niya inaasahang congratulatory message ng kanyang half-sister, si Senator Grace Poe.

Sabi ng senadora, tiyak na ipinagmamalaki ng kanilang ama na si Fernando Poe Jr. ang 32-year-old actress.

"Congratulations, dear Lovi, I’m sure Papa’s very proud of you. My special wish is that, actually, you make an action film. Kayang-kaya mo kasi disiplinado ka, very fit, at alam ko, magaling ka rin sumuntok.

"In my heart, you’re always pamilya. Continue to make us proud, I love you, Lovi,” ang mensahe ni Grace para sa kanyang kapatid sa ama.

Nakasama ni Lovi sina Gary Valenciano at Erik Santos sa kanyang song number na "L-O-V-E."

Pagkatapos nito, tinanong siya ni Erik tungkol sa kahalagahan ng pagiging Kapamilya niya.

Continue reading below ↓

Ang sagot ni Lovi, "I think it’s the essence of feeling at home wherever you are, kahit saan pa man parte ng mundo, yung hindi ka nag-iisa at meron kang Kapamilya."

Lovi Poe ASAP Natin 'To

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe, the Precious Jewel of ABS-CBN, gets a warm welcome from ASAP Natin 'To, where her half-sister Grace Poe also gives her a special message.
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram; Screen Grab from ASAP Natin 'To
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results