Phillip Salvador, nilinaw na hindi sina Bong Revilla at Manny Pacquiao ang mga pinatatamaang senador

by Jojo Gabinete
Sep 21, 2021
Phillip Salvador (left) says he never hit Senator Bong Revilla (center): "Nagulat ako purely because yung kaibigan ko, magbi-birthday sa September 25, tapos may lalabas na ganyang isyu. Kawawa naman yung kaibigan ko." Neither did he hit Manny Pacquiao (right): “...hindi siya ang tinutukoy ko, dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya. Tinulungan ako ni Manny noong walang-wala ako..."
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Hindi na nagpapaunlak ng interbyu si Phillip Salvador, maliban na lang kung may pelikula siyang kailangang ma-promote.

Pero binasag ng multi-awarded actor ang pananahimik para linawing hindi kabilang sina Senators Bong Revilla at Manny Pacquiao sa mga pinatamaan niyang senador.

Nangyari kasing nagtalumpati ni Phillip sa isang okasyong dinaluhan nila ni Senator Bong Go sa Biñan, Laguna, noong September 10, 2021.

Ang video ng talumpati ay ipinost naman ni Robin Padilla sa kanyang Instagram account.

Sa kontrobersiyal na talumpati, pinatutsadahan ni Phillip ang mga senador na sinisiraan umano si Bong Go ngayon gayong pinakinabangan nila ang senador noon.

Bahagi ng pahayag ni Phillip: “Marami na po akong nasamahang pulitikong tao. Napakarami po.

"Sinamahan ko po sila, nangampanya kami. Nangako sila sa mga tao.

"Ibinoto sila ng mga tao at nanalo po sila.

"At pagkapanalo po nila, lahat ng kanilang ipinangako, ano ang nangyari? Napako, kayo ho ang nagsabi niyan, hindi ako.

Continue reading below ↓

"Ngayon ho, sa mga nangyayari, yung tao na nagtatrabaho, yung tao na nagseserbisyo sa inyo, binabatikos!

"Bakit? Dahil malapit na ang eleksyon!

"Bakit? Kasi gusto nilang mapansin sila.

"Noong manalo sila noong ibinoto niyo sila, lahat ng ipinangako nila, hindi nila nagawa."

Si Phillip ay kilalang malapit kay Bong Go at sa administrasyong Duterte.

Visible ang aktor maging noong nangangampanya pa lamang ang long-time Duterte aide sa kandidatura nito bilang senador noong 2019 elections.

NOT HITTING MANNY AND BONG

Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files kay Phillip nitong Lunes ng umaga, September 20, nilinaw ng aktor na hindi sina Bong Revilla at Manny Pacquiao ang mga senador na pinatamaan niya.

Naging isyu ito dahil, kung malapit ngayon kay Bong Go si Phillip, mas matagal na niyang kaibigan si Pacquiao at lalong mas matagal na siyang malapit kay Revilla.

Pahayag ni Phillip, na kinikilala rin bilang Ipe: “To clear up things lang, si Bong Revilla Jr., whatever he promised the people, ginawa niya.

Continue reading below ↓

"Si Bong [Revilla], kaibigan ko noon hanggang ngayon.

"Ang tinutukoy ko lang, yung mga natulungan noon ni Senador Bong Go na tinitira siya ngayon.

"Senador si Bong Revilla, pero hindi naman siya kakandidato o nag-aambisyon ng mas mataas na posisyon sa darating na eleksyon.

"Saka hindi siya kasali sa oposisyon. Mali yung facts na lumabas."

Nahalal muli si Bong Revilla bilang senador noong 2019, at ang termino niya ay magtatagal hanggang June 30, 2025.

Patuloy ni Phillip: "Hindi ko gagawin ‘yan kay Bong Revilla.

"Nagulat ako purely because yung kaibigan ko, magbi-birthday sa September 25, tapos may lalabas na ganyang isyu. Kawawa naman yung kaibigan ko."

Parehong sumikat sina Phillip at Bong sa entertainment industry dahil sa kanilang action movies. Bagamat una nang umani ng respeto si Phillip sa mga pelikulang may drama at social commentary na idinirek ng yumaong National Artist na si Lino Brocka.

Kabilang din sa barkadahan nina Ipe at Bong ang dati ring action stars na sina Jinggoy Estrada at ang yumaong si Rudy Fernandez.

Continue reading below ↓

Iginiit ni Phillip na hindi sina Revilla at Pacquiao ang pinatatamaan ng kanyang talumpati, pero hindi niya diretsahang binanggit ang mga senador na pinatutungkulan niya.

Saad niya, "It was so clear, panoorin niyo uli yung video.

"How sure are they that I’m hitting Bong Revilla and Manny Pacquiao?

"Hindi sila ‘yon, kinaklaro ko lang.

"Never kong titirahin ang mga kaibigan ko na alam ko na ginagawa nang maayos ang mga trabaho nila.

"Wala akong binanggit na pangalan, at kung sino man sila, alam nila na sila ang tinutukoy ko.

"Sila yung mga lumilitaw ngayon dahil nag-aambisyon ng mas mataas na posisyon."

Si Pacquiao ay nagdeklara ng kanyang presidential bid noong Linggo, September 20, at kabilang na ngayon sa oposisyon dahil sa direktang pagbatikos nito kay Pangulong Duterte. Ito ay sa kabila ng pareho silang kabilang sa partidong PDP-Laban.

Pero iginiit din ni Phillip na hindi ang Pambansang Kamao ang pinatatamaan ng kanyang mga pahayag.

Continue reading below ↓

“Si Pacquiao, hindi kasama dahil hindi naman siya tinulungan ni Senator Bong Go.

“Kaibigan ko si Manny, matagal na talaga niyang ambisyon na tatakbo siyang presidente sa 2022. Sinabi naman niya sa akin ‘yan.

“Walang masamang nagawa sa akin si Manny.

"Ngayon, kahit nasa opposition si Manny, hindi siya ang tinutukoy ko, dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya.

“Tinulungan ako ni Manny noong walang-wala ako, and I’m not embarrassed or ashamed to say that because it’s true."

Diin ni Phillip: "Hindi sila ang tinitira ko, hindi sina Bong Revilla at Manny."

Inaasahang magiging visible muli si Phillip sa campaign sorties upang iendorso ang kandidatura nina Go at Duterte sa 2022 elections.

Tatakbong presidente si Go at si Duterte ang kanyang bise presidente.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Phillip Salvador (left) says he never hit Senator Bong Revilla (center): "Nagulat ako purely because yung kaibigan ko, magbi-birthday sa September 25, tapos may lalabas na ganyang isyu. Kawawa naman yung kaibigan ko." Neither did he hit Manny Pacquiao (right): “...hindi siya ang tinutukoy ko, dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya. Tinulungan ako ni Manny noong walang-wala ako..."
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results