Sino ang running mate ni Isko Moreno na si Dr. Willie Ong?

by Jojo Gabinete
Sep 21, 2021
Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno na si Dr. Willie Ong ang katambal niya sa 2022 elections. Si Dr. Ong ay isang cardiologist at internist na may 16M followers sa Facebook.

Ang orihinal na plano ni Manila City Mayor Isko Moreno ay ianunsiyo ang kanyang presidential bid bukas, Miyerkules, September 22.

Pero mabilis na kumalat ang balita kaya inamin na niya sa mga miyembro ng media ang posisyon na kanyang tatakbuhan para sa eleksyon sa May 9, 2022.

Kinumpirma ng isang malapit kay Isko ang plano nitong pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas.

Running mate niya ang cardiologist at internist na si Dr. Willie Ong, 58.

Ang kanilang tandem ay malaking sorpresa para sa marami.

Bago kasi ito ay lumutang ang balitang si Isko ang presidential bet ng partidong Aksyon Demokratiko, at si Pasig Mayor Vico Sotto ang kanyang magiging bise presidente.

Nabalita ring nakipag-usap si Isko kay Vice President Leni Robredo para sa posibleng tambalan nila sa 2022.

Pero sa huli, ang napiling ka-tandem ni Isko ay si Dr. Ong.

Hindi ito ang unang pagkakataong sasabak si Dr. Ong sa mundo ng pulitika dahil kumandidato siya bilang senador ng bansa noong May 2019, pero hindi pinalad na magwagi.

Continue reading below ↓

Tumakbo siya sa ilalim ng partidong Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).

Pang-18 siya sa mga tumakbong senador kung saan 12 lamang ang pasok sa winning circle.

Base sa mga talumpati niya sa mga debate, nalaman ng publiko ang pananaw niya tungkol sa ilang mahahalagang isyu sa bansa.

Bilang isang doktor, isinusulong niya ang mas madali at mas murang gamot, pagpapagamot, at pagpapakonsulta para sa mga Pilipino. Isinusulong din niya ang libreng gamit na pang-maintenance at laboratory tests.

Sa kabilang banda, bukas siya sa pagbabalik ng death penalty para sa heinous crimes at pabor din siya sa pagpapababa ng minimum age sa criminal responsibility.

Si Dr. Ong ay may mahigit 16 million followers sa Facebook. Popular siya sa netizens dahil sa pagbibigay ng mga payo tungkol sa kalusugan.

Popular search ngayong Martes ng gabi sa iba’t ibang social media platforms ang pangalan ni Dr. Ong buhat nang kumpirmahin ni Isko ang tandem nila sa 2021 national elections.

Nagkaroon din ng interes ang publikong panoorin ang isinalin sa pelikulang kuwento ng buhay ni Dr. Ong, na ginampanan ni Hero Angeles.

Libre itong napapanood sa Facebook page ng doktor na nangangarap maging bise presidente ng bansa sa 2022.

Sinabi ni Dr. Ong na walang copyright ang kanyang biopic na puwedeng ipalabas sa cable TV, free TV, mainstream media, lectures, Zoom, at mga paaralan dahil layunin daw ng pelikula na makatulong sa kapwa at hindi para kumita ng pera.

Mensahe ni Ong para sa mga nagbabalak panoorin ang pelikula tungkol sa kanyang buhay: "Sana maging gabay ang mga karanasan ko sa ating kabataan at manumbalik ang pagmamahal sa kapwa at sa Diyos."

Samantala, lumabas din ngayon ang video ni Isko na nagpapakita ng kanyang talumpati sa isang graduation ceremony kunsaan siya ay guest of honor.

In-edit iyon sa paraan kunsaan binibigkas ng ating mga kababayan mula sa iba’t ibang sektor at antas ng pamumuhay.

Continue reading below ↓

Tila nais ipahiwatig ng video ni Isko na katulad siya ng sambayanang Pilipino na hindi sumusuko.

Gamit niya ang tagline na "Ako si Isko, Tayo si Isko."

Ang tambalang makakasagupa nina Isko at Ong, so far, ay sina Senator Ping Lacson-Senator Tito Sotto.

Inendorso na rin ng PDP-Laban ang tambalan nina Senator Bong Go at President Rodrigo Duterte, pero wala pang kasigurahan ito.

Si Senator Manny Pacquiao ay wala pang inaanunsiyong running mate.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno na si Dr. Willie Ong ang katambal niya sa 2022 elections. Si Dr. Ong ay isang cardiologist at internist na may 16M followers sa Facebook.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results