Watch Now

Mayor Isko Moreno, pinatutsadahan si Pangulong Duterte sa kanyang presidential campaign launch

by Jojo Gabinete
Sep 22, 2021
Mayor Isko Moreno on his presidential bid in 2022 elections: “I don’t belong to a large clan. I am neither son or daughter of a president. Hindi niyo makikita sa pera ang mukha ng aking walang perang mga ninuno. No avenues [were] named after them. Kahit nga eskinita o waiting shed, wala silang pangalang Domagoso. Lone ranger po ang apelyido ko sa gobyerno. Nag-iisang Domagoso sa government directory. Missing in action din sa social registry."
PHOTO/S: Jerome Ascano

Pormal na inilunsad nina Manila Mayor Isko Moreno at Dr. Willie Ong ang kanilang kandidatura para sa halalan sa 2022 sa Baseco Compund, Tondo, Manila, ngayong Miyerkules ng umaga, September 22.

Kakandidato si Isko para sa posisyon ng presidente ng Pilipinas, at si Ong ang kanyang pangalawang pangulo.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumagal ng halos kalahating oras ang talumpati ni Isko.

Sa kanyang talumpati ay pinatutsadahan ng Manila mayor ang pamamalakad ni President Rodrigo Duterte sa pamahalaan nito, pati na ang pag-uugali ng pangulo na kilala sa pagmumura.

Bahagi ng pahayag ni Isko: “Opo, lumaki akong busabos, pero hindi naging bastos.

"Bagamat balot ako ng dumi sa katawan, ni minsan, hindi ko kailangan sabunin ang aking bibig.

"At sa kalagitnaan ng paghihikahos, ng matinding gutom na mas malakas pa ang hilab ng tiyan kesa sa aking dasal, ni minsan, hindi ako nagtampo sa Diyos.

"Hindi ko Siya minura, hindi ko Siya tinalikuran at ang Kanyang mga alagad, hindi ko inalipusta.

"Sapagkat hindi natitinag ang paniwala ko sa Poong Maykapal na suklian ang iyong pagsisikap ng mga biyayang ninanais mo.

“So, since the first time I laid my hands on the Bible as I recited my oath of office, this has always been my fighting faith—nasa bayan ang tiwala, sa hinalal ang gawa, nasa Diyos ang awa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang unang pagkakataong nagsalita nang direkta si Isko kaugnay ng patutsada sa kanya ni Pangulong Duterte sa August 9 televised public address nito.

Sa pamamagitan ng isang "blind item" ay kinutya ni Duterte ang nakaraan ni Isko bilang sexy actor.

Bahagi ng pahayag noon ng Pangulo patungkol kay Isko: “Kayong mga Pilipino, huwag kayong magpaloko diyan sa mga—mga padrama magsalita pati kung…

"Nakita ko nga sa Facebook kanina, lahat nang naka-bikini ang gago, tapos may isang picture pa doon na sinisilip niya yung ari niya.

“Iyan ang gusto ninyo? Ang training—ang training parang… para lang, parang call boy.

"Naghuhubad, nagpi-picture."

Pero noong June 2021, o dalawang buwan lamang bago ang patutsada ng Pangulo kay Isko, kabilang ang Manila mayor sa mga gustong iendorso ni Duterte na maging susunod na presidente.

Bukod kay Isko, kabilang din sa listahan ni Duterte ang anak na si Mayor Sara Duterte, Senator Manny Pacquiao, dating Senator Bongbong Marcos, at si Senator Bong Go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Isko at Manny ay nagdeklara na ng kanilang kandidatura para sa 2022.

Si Manny ay inendorso ng Pimentel faction ng PDP-Laban.

Si Bong Go naman ang standard bearer ng Cusi faction ng PDP-Laban, kung saan si Pangulong Duterte ang tatakbong vice president.

Matunog ding tatakbo sina Sara at Bongbong bilang presidente.

HOT STORIES

LONE RANGER

Inisa-isa rin ni Isko ang kaibahan niya sa mga naghahangad na kumandidato para sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.

Saad ng 46-year-old politician, “Aaminin ko po sa inyo, nitong mga nakaraang buwan, nagmuni-muni din ako kung ano ang tatahakin ko na landas sa darating na panahon.

“Tulad ninyo, humantong din ako sa sangandaan. Take the high but hard road with people or abandon them and take an easy stroll alone.

“I don’t belong to a large clan. I am neither son or daughter of a president.

"Hindi niyo makikita sa pera ang mukha ng aking walang perang mga ninuno. No avenues [were] named after them. Kahit nga eskinita o waiting shed, wala silang pangalang Domagoso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lone ranger po ang apelyido ko sa gobyerno. Nag-iisang Domagoso sa government directory. Missing in action din sa social registry.

“At sa gitna ng mga agam-agam, meron pang nakapagsabi na sa tanda kong ito, 23 years in public service, bata pa raw ako. Hindi ko naman kayo masisi, artistahin to-its," biro pa niya.

Patuloy ni Isko, “Nakilala po ninyo akong tapat sa pamamahala at totoong pananalita.

"Hard work and straight talk whether it’s about city projects or personal beliefs, I convey it with candor and I do not play coy. Real talk lang po palagi kaya buong kababaang-loob.

"Inihahayag ko sa inyo mga kababayan ko, sa darating na Mayo, tanggapin po ninyo ang aking aplikasyon bilang pangulo ng Pilipinas."

Bagamat sinasabi ni Isko na hindi siya kabilang sa political clan, ang taong may hawak ng kanyang kampanya ay beterano na sa pulitika.

Ang kanyang campaign manager ay si Lito Banayo, na siya ring humawak sa kampanya ni Rodrigo Duterte noong 2016 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang manalo si Duterte, in-appoint niya si Banayo bilang chairman ng Board of Directors ng Manila Economic and Cultural Office, na de facto embassy ng Pilipinas sa Taiwan.

COVID RESPONSE OF DUTERTE ADMINISTRATION

Matapos ideklara ang kanyang presidential bid, pinuna ni Isko ang pagtugon ng Duterte administration sa malaking problema ng Pilipinas sa coronavirus pandemic.

Aniya, “Hindi matayog na ambisyon ang nagtulak sa aking desisyon, ngunit at dahil sa kalunus-lunos na kundisyon ng ating bayan.

"Other countries applied best practices, conducted field trials of scientific solutions.

"We, on the other hand, have used our people as guinea pigs in the longest and strictest experiment of unli-quarantines.

“Five hundred fifty seven [557] days na po tayong nasa quarantine, but instead of flattening the curve, we have flattened our economy.

“Yet many people continue to [be] flatlining in our hospitals without beds, without doctors, without medicines and, sadly, even without oxygen."

Sabi pa ni Isko, “Nakalulungkot ang kalagayan ng public health system ng ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maiintindihan sana natin kung walang pera ang DOH [Department of Health], pero ang pondong panlaban sa COVID-19, binuro. Ang budget, inembalsamo.

“Naantala ang pagbili ng ventilators at gamot, pati yung katiting na P136 daily na active duty allowance sa mga frontliner na buwis-buhay, paiyakan at props pa ang bigayan. Binumbay po sila.

"Tampo tuloy ng isang nurse, ‘Sa galing nilang mangutang, pati kami ay nautangan.'"

DR. WILLIE ENG FOR VICE PRESIDENT, HONEY LACUNA FOR MANILA MAYOR

Sa dulo ng kanyang presidential campaign launch speech, isiniwalat din ni Isko ang dahilan ng pagpili niya kay Dr. Willie Ong bilang kanyang bise presidente.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Sa mga hamon na ating haharapin, may katuwang tayong napili. Maraming lider na walang ginawa kundi saktan tayo.

“Siya naman, walang ginawa kundi hilumin tayo. Sa panahon ng pandemya, siya na makakasama natin bilang lider na kailangan natin.

“Maraming sakit ang lipunan, mga kanser sa pamahalaan na kailangan ng isang manggagamot na sasamahan tayo sa pagbibigay ng reseta ng lunas.

“Isang doktor na may puso, talino, at oras para sa tao. Tuluy-tuloy sa paglilingkod sa mga maysakit at problemang pangkalusugan.

"Kaya ikinalulugod ko po sa inyong ipakilala ang aking partner, ang susunod na bise presidente ng Pilipinas, Dr. Willie Ong."

Sinabi rin ni Isko na si Manila City Vice Mayor Honey Lacuna, na isa ring doktor, ang tatakbo bilang alkalde ng kanilang siyudad sa halalan sa May 9, 2022.

“Magiging epektibo po ako sa buong bansa, lalo na sa panahon ng pandemya, dahil nakita ko na, may pruweba na sa Maynila, ang partner ko rin ay doktora—si Vice Mayor Honey Lacuna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"As I have told you a while ago, it’s based on prototypes.

"Sa pagtugon sa pandemya, kailangan ay bilis-kilos, matutupad ito kung ang aking katuwang ay bihasa sa usaping kalusugan."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Isko Moreno on his presidential bid in 2022 elections: “I don’t belong to a large clan. I am neither son or daughter of a president. Hindi niyo makikita sa pera ang mukha ng aking walang perang mga ninuno. No avenues [were] named after them. Kahit nga eskinita o waiting shed, wala silang pangalang Domagoso. Lone ranger po ang apelyido ko sa gobyerno. Nag-iisang Domagoso sa government directory. Missing in action din sa social registry."
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results