Roman Perez Jr., nakatrabaho noon ang mga ama nina Mark Anthony Fernandez at Diego Loyzaga

by Jojo Gabinete
Sep 26, 2021
Director Roman Perez Jr. (left) directs Mark Anthony Fernandez (center) and Diego Loyzaga (right) in the movie House Tour.
PHOTO/S: Viva Films

Malayo na ang narating ni Roman Perez Jr., na maligayang-maligaya dahil natupad ang kanyang pangarap maging direktor sa telebisyon at pelikula.

Nagsimula si Roman bilang production assistant sa mga pelikula at sa telebisyon kaya talagang nagbunga ang kanyang kasipagan at pagtitiyaga.

Ang bagong pelikula ni Roman ay ang House Tour ng Viva Films. Pinagbibidahan ito nina Mark Anthony Fernandez at Diego Loyzaga.

Natutuwa si Roman dahil nakatrabaho niya sa House Tour ang mga anak nina Rudy Fernandez at Cesar Montano.

Noong nag-uumpisa pa lamang siya, ang ama nina Mark at Diego ang kanyang nakasama sa mga proyekto.

Production assistant si Roman nang mabigyan siya ng oportunidad na makilala si Rudy, na itinuturing niyang isa sa mga pinakamabait na artista sa Philippine entertainment industry.

Trainee si Roman sa GMA Films nang makadaupang-palad niya si Cesar nang magbida ito sa 1998 biographical film na Rizal.

Assistant director na si Roman nang makatrabaho niyo muli si Cesar bilang special guest sa Asian Treasures, ang 2007 action-drama series ng GMA-7 na pinagbidahan nina Robin Padilla at Angel Locsin.

Continue reading below ↓

Naalaala ni Roman sina Rudy at Cesar nang magsimula ang shooting nila nina Mark Anthony at Diego para sa House Tour.

Puring-puri ni Roman ang mga anak nina Rudy at Cesar dahil parehong mabait ang dalawa. Nakita ni Roman kina Mark Anthony at Diego ang determinasyon at pagmamahal sa kanilang acting profession.

Aminado si Mark na maliban sa pag-aartista, wala siyang ibang alam na trabaho na dahilan kaya pinaghuhusayan niya ang pag-arte.

“I’m not a Jack of all Trades so, kumbaga, hino-hone ko lang lagi yung acting skills ko, yung physique ko for the movies.

"So, I’m really grateful," sabi ni Mark sa naganap na virtual mediacon ng House Tour nitong Linggo ng hapon, September 26.

Mula nang magbalik sa showbiz noong 2020 pagkatapos ng dalawang taon na pamamahinga, napagtanto ni Diego ang mga pagkakataong pinalampas at pinanghihinayangan niya.

“Sobrang sayang, ang daming opportunities I had so much more than I thought that I had that time. Hindi ko lang siya na-appreciate or hindi ko lang siya nakita.

Continue reading below ↓

"So, in my absence in showbiz, na-realize ko lang talaga I could be doing so much more," pahayag ni Diego.

Lubos ang pasasalamat ni Diego dahil, tulad ni Mark, nabigyan siya ng tsansang ipagpatuloy ang acting career na napabayaan niya noon.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Roman Perez Jr. (left) directs Mark Anthony Fernandez (center) and Diego Loyzaga (right) in the movie House Tour.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results