Watch Now

Ai-Ai delas Alas, namangha sa transformation ni Kisses Delavin

by Jojo Gabinete
Sep 27, 2021
Ai-Ai delas Alas, bet na manalo si Kisses Delavin sa Miss Universe Philippines 2022: "Una, napaka- cool lang niyang sumagot. Walang ahhh, uhmmm, and from the heart ang sagot niya. Kahit alam natin na pressured siya, elegante and articulate pa rin si Kisses.Ang ganda ng katawan niya."
PHOTO/S: Regal Entertainment / Miss Universe Philippines

Natulala at manghang-mangha si Ai-Ai delas Alas sa transformation ni Kisses Delavin.

Napanood kasi ng Comedy Queen ang preliminary competition ng Miss Universe Philippines 2021 sa isang resort sa Panglao, Bohol, nitong Linggo ng gabi, September 26.

Isa si Kisses sa pinakamatunog na kandidata sa national beauty pageant ngayong taon.

Neneng-nene pa si Kisses nang magkasama sila ni Ai-Ai sa D’Ninang, ang 2019 comedy movie ng Regal Entertainment Inc.

Si Kisses ang gumanap na anak ni Ai-Ai, at hindi raw makalimutan ng Comedy Queen ang napakagandang ugali ng former Pinoy Big Brother: Lucky 7 housemate.

Sabi ni Ai-Ai, “Napakabait ni Kisses. Sobrang appreciative siya.

"Nang bigyan ko siya noon ng tinapay sa shooting namin, paulit-ulit ang pasasalamat niya, as in parang ginto ang ibinigay ko sa kanya.

"Higit sa lahat, mabait si Kisses sa magulang niya.

"May fur baby din siya kaya love na love ko siya. Pareho kami na mahilig sa aso."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Suportadong-suportado ni Ai-Ai ang pagsali ni Kisses sa Miss Universe Philippines.

Naniniwala siyang malaki ang tsansa ng 22-year-old actress na manalo, base sa transformation at determinasyong ipinamamalas nito.

"Nagulat talaga ako sa transformation niya. Ang ganda-ganda niya!" bulalas ng Kapuso star.

"Siya talaga ang bet kong manalo dahil maganda siya, inside out, dahil nakasama ko nga siya sa pelikula kaya kilalang-kilala ko ang ugali niya.

“Nakakatuwa si Kisses.

"Una, napaka- cool lang niyang sumagot. Walang ahhh, uhmmm, and from the heart ang sagot niya.

“Kahit alam natin na pressured siya, elegante and articulate pa rin si Kisses.

"Ang ganda ng katawan niya, may muscle nang konti yung legs niya at may cut ang kanyang abs. Pinaghandaan niya talaga ang pagsali.

"Nagulat ako dahil dalagang-dalaga na siya. Pang-Miss Universe na ang aura niya. Sobrang proud ako sa kanya."

Sabi pa ni Ai-Ai, “Good luck, Kisses! Grabe, ginulat mo ako.

"Yung pananahimik mo pala ay isang pasabog pala ang bubulaga sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas, bet na manalo si Kisses Delavin sa Miss Universe Philippines 2022: "Una, napaka- cool lang niyang sumagot. Walang ahhh, uhmmm, and from the heart ang sagot niya. Kahit alam natin na pressured siya, elegante and articulate pa rin si Kisses.Ang ganda ng katawan niya."
PHOTO/S: Regal Entertainment / Miss Universe Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results