Erik Matti at Michiko Yamamoto, tagumpay sa misyong makita si Pope Francis

by Jojo Gabinete
Sep 27, 2021
Direk Erik Matti, ikinuwento kung paano niya nasilayan nang malapitan si Pope Francis (left) sa Basilica di Santa Maria Maggiore sa Rome, Italy. Kasama ni Erik sa Italy ang asawa na si Michiko Yamamoto (rightmost in left photo) at mga anak nilang sina Nicole (long-sleeved top) at Audrey (white crop top).
PHOTO/S: @michikuda Instagram

Gaya ng kuwento ng On The Job: The Missing 8, kapana-panabik ang salaysay ng multi-awarded director na si Erik Matti tungkol sa mga karanasan ng kanyang pamilya nang magpunta sila sa Italy.

Isa sa highlights ay ang hindi inaasahang makadaupang-palad nila si Pope Francis dahil sa tip na ibinigay sa kanila ng isang Filipino priest.

Ito ang detalyado at parang mga eksena sa pelikulang blow-by-blow account ni Erik tungkol sa kanilang matagumpay na misyong makita ang Santo Papa ng Simbahang Katoliko:

"We went out to dinner with a Filipino priest (that I will keep anonymous for security reasons) who told us a top secret, confidential, Dan Brown-Robert Langdon level information about the highest leader in the Catholic church (second to God, maybe), the Pope.

"Every time he comes from his travels outside of Italy, when he returns he passes by this small church to give an offering to Mama Mary.

Continue reading below ↓

"Everyone at the table were wide-eyed and excited at the prospect of probably seeing the Pope up close without much fanfare with an air of exclusivity that probably only us would enjoy without the world knowing about it.

"The Pope was in a trip in Bratislava. The priest informer made some calls and found out when he will be arriving. 3pm the next day.

"Our priest informer then added that the Pope has a sweet spot for Filipinos and the way to get his attention is to call out 'Viva Lolo Kiko' (Kiko being a nickname of Filipinos for Francis)."

Excited na inabangan ng grupo ni Erik si Pope Francis sa loob ng Basilica di Santa Maria Maggiore sa Rome, Italy.

Kasama ni Erik ang asawang si Michiko Yamamoto, o tinawag niyang Mich Yama, na co-writer din ng On The Job: The Missing 8.

"When we went back to our apartment, we planned the biggest, riskiest ambush of our lives, attack the church before 3pm and get ready to call out the Pope.

Continue reading below ↓

"We had all our religious objects prepared for Pope’s blessings. It will be swift and fast.

"Mich Yama rehearsed the line with me, 'Viva Lolo Rico!' I corrected her, 'Viva Lolo KIKO!' Not Rico. And she rehearsed it over and over again. Kiko, Kiko, Kiko. Not Rico."

MEETING POPE FRANCIS AT LAST

Kuwelang nakalimutan ni Michiko ang inensayo nito.

Pero tagumpay sina Erik at Michiko na makuha ang pansin ng Santo Papa, na matamis ang pagkakangiti nang makita sila.

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Erik: "The Pope marched inside the church at 3:40pm. Michikuda clutches all the rosaries for our families in ready for God’s graces to shine upon it.

"The Pope strides closer. Michiko readies to shout. He is a few feet away limping towards the chapel where he will offer a single rose to Mama Mary. Michiko steps forward and shouts, 'Viva Lolo RICOOO!!!' Ahm…'Viva Lolo Kikooo!!!'

"The Pope smiles. Blesses us all. Now, I can sin some more."

Nakunan ni Erik ng video ang pagbabasbas sa kanila ni Pope Francis.

Isa itong hindi makalilimutang karanasan at hindi puwedeng pagdudahan dahil, gaya ng kuwento ng On The Job: The Missing 8, may ebidensiya silang hawak ng kanyang mga kasama.

Continue reading below ↓

LAST EPISODE ON HBO GO

Bitin ang pakiramdam ng mga nanonood at sumusubaybay sa HBO Go ng six-part series ng On The Job: The Missing 8 dahil sa mga makapigil-hininga at kapana-panabik na mga eksena ng pelikula.

Inaabangan na ang episode 6 o ang last part ng On The Job: The Missing 8, na mapapanood sa darating na Linggo, October 3.

Interesado ang mga nakasubaybay sa magiging katapusan ng pelikula, na halaw sa mga tunay na pangyayari sa mundo ng pulitika at media.

Mapapanood ang partisipasyon ng mga sexy female dancer sa isang kampanya, ang pagbibigay ng rubber shoes at jacket sa mga tao, at higit sa lahat, ang talamak na corruption na kinasasangkutan ng mga mamamahayag na may kagalang-galang na imahe.

Hindi lamang sina John Arcilla at Dennis Trillo ang nagpakita ng husay sa pag-arte sa On The Job: The Missing 8.

Magagaling din sina Dante Rivero, Christopher de Leon, Lotlot de Leon, Wendell Ramos, Soliman Cruz, at ang ibang mga cast member ng pelikula na tumanggap ng papuri mula sa film critics at sa nakaraang 78th Venice Film Festival sa Venice, Italy.

Continue reading below ↓

Noong September 10 nag-world premiere ang On The Job: The Missing 8 sa Venice Film Festival, at sa awarding ceremony ay itinanghal na Volpi Cup (Best Actor) winner si John.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Erik Matti, ikinuwento kung paano niya nasilayan nang malapitan si Pope Francis (left) sa Basilica di Santa Maria Maggiore sa Rome, Italy. Kasama ni Erik sa Italy ang asawa na si Michiko Yamamoto (rightmost in left photo) at mga anak nilang sina Nicole (long-sleeved top) at Audrey (white crop top).
PHOTO/S: @michikuda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results