The Clash, malaking tulong para sa lahat ng may kinalaman sa programa

by Jojo Gabinete
Sep 28, 2021
Para sa The Clash judges na sina Lani Misalucha (kaliwa) at Ai-Ai delas Alas (gitna) at The Clash Master Julie Anne San Jose (kanan), malaking tulong sa kanila ang singing competition ng GMA-7, emotionally at mentally.
PHOTO/S: Instagram

Nagsimula ang Season 3 ng The Clash ng GMA-7 noong October 3, 2020, at nagwakas ito noong December 20,2020.

Sa darating na Sabado, October 2, 2021, muling magbabalik sa telebisyon ang Season 4 ng The Clash.

Malaking tulong ito, emotionally and mentally, para sa mga involved sa popular singing competition program ng Kapuso Network ngayong may pandemya.

Pahayag ng isa sa mga hurado na si Lani Misalucha, “Malaking tulong talaga.

"Ikaw ba naman makabalik sa The Clash at meron uling trabaho, siyempre nakatulong nang malaking-malaki sa iyong anxiety."

Maaliwalas at bumata ang hitsura ni Lani dahil nakapagpahinga siya noong nakaraang taon at napaghandaan niya ang Season 4 ng kanilang show.

Sabi pa ng Asia's Nightingale, “Kapag merong ganyang mga trabaho, nao-occupy ang utak mo, nakakagalaw ka uli compared sa nakulong ka sa bahay.

“Malaking assurance sa sarili mo na you’re doing something at productive, so we’re all just grateful na something like this is still here for all of us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Para naman malaman namin sa sarili namin na, 'Ah, okay, productive pa pala tayo.'"

AI-AI DELAS ALAS

Hindi nagkakalayo ang mga opinyon ni Lani at ng kanyang fellow judge na si Ai-Ai delas Alas.

Pahayag ni Ai-Ai, “Nakakawala siya ng anxiety.

"At saka kapag nakikita mo na meron kang trabaho, hindi lang kami kundi pati ang staff at crew, nagkakaroon ng hope na, 'Ah, may buhay pa pala.'

“Ay, dyusko, salamat Lord na may pag-asa pa kam."

Nagpagawa si Ai-Ai ng mga bagong damit at headdress para sa kanyang judging stint sa The Clash.

JULIE ANNE SAN JOSE

Para naman sa The Clash Master na si Julie Anne San Jose, "good distraction" at marami ang natutulungan ng pagbabalik sa telebisyon ng kanilang programa.

Ani Julie Anne, “Itong The Clash, maraming natutulungan na ibang mga tao. Hindi lang kami ang nagbe-benefit, hindi lang kami ang frontliners ng show.

“We are here because we want to encourage and inspire other people. Give them hope na hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa sa buhay and mararating natin lahat ng dreams sa buhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Napakaraming help nito, in all aspects—emotional and mental. It’s nice kasi itong The Clash is a good distraction.

“At the same time, you also get to see your colleagues. You have a family outside your home.

"At least, nakakalabas ka ng bahay. Iba yung nakikita mo.

"It’s a good distraction and you get to do what you love to do."

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para sa The Clash judges na sina Lani Misalucha (kaliwa) at Ai-Ai delas Alas (gitna) at The Clash Master Julie Anne San Jose (kanan), malaking tulong sa kanila ang singing competition ng GMA-7, emotionally at mentally.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results