Kokoy de Santos, nagsalita tungkol sa nakaraan nila ni Rhen Escaño; Shaira Diaz, gustong matutong sumayaw gaya ni EA Guzman

by Jojo Gabinete
Sep 29, 2021
Kokoy de Santos and Shaira Diaz top-bill "Ikaw si Ako, Ako si Ikaw," the 4th episode of Regal Studio Presents which will be aired this Sunday, October 3, 4:35 p.m., on GMA-7.
PHOTO/S: Instagram

Sina Kokoy de Santos at Shaira Diaz ang mga bida sa "Ikaw si Ako, Ako si Ikaw," ang 4th episode ng Regal Studio Presents na mapapanood sa bagong araw at oras nito sa darating na Linggo, October 3, 4:35 p.m., sa GMA-7.

Tungkol sa body switching ang kuwento ng "Ikaw si Ako, Ako si Ikaw."

Tinanong ng Cabinet Files si Shaira kung ano ang gagawin niya kung sakaling magkapalit sila ng katawan ng kanyang boyfriend na si Edgar Allan Guzman.

“Siguro magti-TikTok ako kasi ang galing po niyang sumayaw. Sobrang isa ‘yon sa mga gusto ko.

"Gusto kong gamitin ang katawan niya sa pagsasayaw para aralin ang moves ng BTS. Ang galing niyang mag-memorize, magaling siyang gumalaw.

“Tapos iti-TikTok ko, tapos kapag nag-trend ‘yon, puwede nang mapansin ng BTS,” sagot ni Shaira, na halatang big fan ng popular South Korean boy band.

Continue reading below ↓

Idinagdag ni Shaira na hindi nito planong baguhin ang pananamit ni Edgar Allan dahil wala raw siyang nakikitang mali.

“Very stylish siya at okay rin naman ang mga kilos niya. Wala naman nakakainis…” natatawang sabi ni Shaira.

Kung naaliw si Shaira sa tanong na sinagot niya, medyo natigilan at nakapagsalita si Kokoy ng “Wow!” nang siya naman ang aming tanungin tungkol sa kanyang gagawin kapag nagkapalit sila ng katawan ng dating karelasyon niya, ang Paraluman star na si Rhen Escaño.

Continue reading below ↓

“Kay Rhen? Bakit si Rhen... well… sige, si Rhen. Aahh, gagamitin ko ito sa mga bagay na gusto kong ginagawa.

“Siyempre, yung trabaho pa rin. Pag-arte, pag-perform sa harap ng kamera.

"Actually, baka same rin kami halos nang ginagawa sa harap ng kamera."

Sinamantala na namin ang pagkakataon para itanong kay Kokoy ang tunay na estado ng relasyon nila ni Rhen noong magkasama pa sila sa Walang Tulugan with The Master Showman, ang late-night musical-variety show noon ng pumanaw na TV host na si German Moreno.

“Pooo? Choppy…” reaksiyon ni Kokoy, na nagkunwaring hindi narinig ang tanong.

Pero sinagot din niya ito.

Aniya, “Ah, okay naman po. Mabuti kaming magkaibigan before and, yeah, umabot naman talaga sa point na nagkaintindihan, ganyan…

“Masaya and siguro hindi talaga para sa amin. Pinagtagpo pero hindi itinadhana,” sabi ni Kokoy.

Napansin ni Shaira na parang pinawisan si Kokoy sa tanong na sinagot ng aktor tungkol sa pakikipagrelasyon nito noon kay Rhen.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kokoy de Santos and Shaira Diaz top-bill "Ikaw si Ako, Ako si Ikaw," the 4th episode of Regal Studio Presents which will be aired this Sunday, October 3, 4:35 p.m., on GMA-7.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results