Chef Jose Sarasola, frustrated sa ipinatutupad na liquor ban sa Parañaque

by Jojo Gabinete
Sep 30, 2021
Chef Jose Sarasola: "Karamihan ng bars and restos sa BF, nag-shut down na. We’re one of the few na lang na bukas. It’s a struggle, pero gusto ko pa rin labanan, kasi I’ve had my restaurant for, like, eleven years na rin. I didn’t really want the pandemic to beat me."
PHOTO/S: @chefjosesarasola

Ang frustration ni Chef Jose Sarasola sa ipinatutupad na liquor ban sa Parañaque City ang naibulalas niya nang kumustahin namin sa kanya ang sitwasyon ng food business sa panahon ng coronavirus pandemic.

Kabilang si Jose sa mga contract star ng GMA Artist Center na nag-renew ng kontrata sa talent-management arm ng GMA-7 sa Signed for Stardom event na naganap ngayong Huwebes ng hapon, September 30, 2021.

Ang kalagayan ng industriya na kanyang kinabibilangan ang itinanong ng Cabinet Files kay Jose nang humarap sila ng ibang mga contract artist ng GMAAC sa pamamagitan ng isang virtual media conference.

Hindi niya napigilan ang sarili na maglabas ng pagkadismaya.

Saad ni Chef Jose, “Medyo struggle, like for my restaurant sa Parañaque, it’s a bit depressing kasi liquor ban pa rin kami.

"Ang weird lang sa BF Homes, parang everywhere, it’s like wala nang liquor ban sa Quezon City, sa BGC or Makati.

"Yung bar ko ngayon, delivery saka take-out lang. Then, may ten percent dine-in pero walang liquor.

Continue reading below ↓

"So, siyempre, may percent pa rin ng mga tao na gusto pa rin uminom o mag-hang out, pero medyo struggle talaga.

“So I’m just finding ways how to promote the food para ma-market and, hopefully, tomorrow ma-announce na ma-lower yung alert level.

“Hopefully, ang Parañaque magising na rin and ma-lift na yung liquor ban.

"Kasi nakaka-frustrate lang na the whole of Metro Manila, walang liquor ban, pero yung BF Parañaque, liquor ban pa rin.

"So, it’s really a struggle."

Dagdag ni Jose, "Karamihan ng bars and restos sa BF, nag-shut down na. We’re one of the few na lang na bukas.

"It’s a struggle, pero gusto ko pa rin labanan, kasi I’ve had my restaurant for, like, eleven years na rin. I didn’t really want the pandemic to beat me.

“Ngayon talaga, just finding ways to go with the flow, promote the food and eventually, hopefully, people would start coming back in dining in.

Continue reading below ↓

"Sa ibang areas, normal na, pero yung BF Homes, talagang medyo dead area pa rin.

"Hopefully soon, makabalik na rin para makabawi sa sales."

Paano ba nakaapekto sa kanya ang current situation?

Ayon kay Jose, “I think all the restaurants and bars really struggled. Marami rin akong nakakausap na mga resto owners na it’s been a struggle talaga.

“People closed down their restaurants and bars na open na for fifteen years, twenty years.

"So, talagang the pandemic really challenged the food industry business, whether you own a kiosk or a bar or a restaurant.

“I think the challenging part was finding ways to adapt, finding ways to promote your business in terms of food, in terms of deliveries, in terms of promos.”

Sa kabila ng kanyang pagkadismaya, may mga dapat ipagpasalamat si Jose dahil nakatulong sa negosyo nito ang kanyang celebrity-chef status at ang regular exposure niya sa Unang Hirit, ang morning show ng Kapuso Network.

Continue reading below ↓

Malaking bagay rin ang mga social media post ng kanyang mga kaibigang artista na nagpupunta sa restaurant/bar niya.

“It helps to promote the bar. The bar was open for the past ten years na rin.

"But, ever since I moved to GMA-7 and all the blessings came in, from Unang Hirit, yung show namin ni Iya [Villania], it helped kahit paano na, ‘Uy, yun ang restaurant ni Chef Jose.’ People want to eat in my place.

"Siyempre, may promotions din ang mga good friend ko, like sina Rayver and Rodjun Cruz. Kapag kumain sila doon, nagpo-post din sila [sa social media] and people ask them, ‘Saan ‘yan, bro?’

“I think word of mouth, actually, really helps also, and if you have a supportive cast of friends and family members who always spread the word about your business, I think that’s very important for your business to survive.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chef Jose Sarasola: "Karamihan ng bars and restos sa BF, nag-shut down na. We’re one of the few na lang na bukas. It’s a struggle, pero gusto ko pa rin labanan, kasi I’ve had my restaurant for, like, eleven years na rin. I didn’t really want the pandemic to beat me."
PHOTO/S: @chefjosesarasola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results