Raffy Tulfo, nagpaalam na sa Idol In Action; namigay ng luxury items sa ilang staff

by Jojo Gabinete
Oct 1, 2021
“Saan man po kami makarating, kayo po palagi ay nasa isipan namin. Huwag ho kayong mag-alala, lalo pong lalakas ang Raffy Tulfo in Action, that I promise you. Trust me,” bahagi ng farewell speech ni Raffy Tulfo sa kanyang TV5 program na nagpaalam na sa ere ngayong October 1, 2021.
PHOTO/S: YouTube

Nagpaalam na si Raffy Tulfo sa Idol in Action, ang kanyang public service show sa TV5 na nag-umpisa noong June 8, 2020 at natutunghayan mula Lunes hanggang Biyernes.

Nangyari ang pagpapaalam ni Raffy sa Idol in Action ngayong Biyernes, October 1, 2021.

Bago matapos ang araw, may mahalaga siyang announcement tungkol sa mangyayari sa kanyang popular radio program, ang Wanted sa Radyo, at sa partisipasyon niya sa Frontline Pilipinas, ang kanyang newscast program sa TV5.

“Saan man po kami makarating, kayo po palagi ay nasa isipan namin.

"Huwag ho kayong mag-alala, lalo pong lalakas ang Raffy Tulfo in Action, that I promise you. Trust me,” bahagi ng farewell speech ni Raffy.

Pinasalamatan ni Raffy ang lahat ng executives ng TV5, sa pangunguna ni TV5 Chairman Manny V. Pangilinan, dahil sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya.

Ikinalungkot ng mga kasamahan ni Raffy ang pagkawala ng Idol in Action, pero may mga sorpresang natanggap ang ilan sa kanila mula sa veteran broadcaster.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May staff member ng programa na binigyan ni Raffy ng limited edition ng relo, at mamahaling bag naman ang natanggap ng isang female employee bilang pagkilala sa kanilang sipag at tapat na paglilingkod.


Simula sa October 4, Lunes, isang Korean drama series, isang cartoon show, at ang ang morning news program nina Paolo Bediones at Marga Vargas na Frontline sa Umaga ang mapapanood muna sa timeslot na nabakante ng Idol in Action.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagkandidato ni Raffy na senador sa 2022 elections ang dahilan kaya pansamantalang hindi siya mapapanood sa telebisyon.

Inaasahang malapit na ang paghahain ni Raffy ng kandidatura sa Comelec dahil sa kanyang maagang pagpapaalam sa mga programa niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Saan man po kami makarating, kayo po palagi ay nasa isipan namin. Huwag ho kayong mag-alala, lalo pong lalakas ang Raffy Tulfo in Action, that I promise you. Trust me,” bahagi ng farewell speech ni Raffy Tulfo sa kanyang TV5 program na nagpaalam na sa ere ngayong October 1, 2021.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results