Raffy Tulfo nag-file na ng certificate of candidacy para tumakbong senador

by Jojo Gabinete
Oct 2, 2021
Raffy Tulfo files candidacy
Namaalam na si Raffy Tulfo bilang newscaster at public service show host para sa kumandidato bilang senador.
PHOTO/S: Screengrab from Comelec Facebook page

Naghain ngayong Sabado, October 2, 1:36 p.m., ng certificate of candidacy sa Commission on Elections sa Sofitel Philippine Plaza, Pasay City, ang broadcast journalist na si Raffy Tulfo.

Kakandidatong senador si Raffy sa eleksyon sa May 9, 2022, pero hindi siya suportado ng anumang political party dahil tatakbo siya bilang independent candidate.

“Independent po ang aking ifinile. Walang partido para maging maliwanag sa ating lahat.

"Sa loob ng mahigit dalawang dekada ko po sa public service bilang broadcaster na nakakaharap at nakakausap ang mga kapus-palad nating kababayan, madalas kong napapansin sa kahit anong klaseng laban, palagi silang nadedehado at mabilis na nalalampaso ang kanilang mga karapatan, lalo na kapag mayayaman at makapangyarihan ang kanilang nababangga.

"Kaya madalas nating naririnig mula sa kanila ang sigaw na, 'Hindi patas ang batas!'

“Now, yung ganitong klaseng pangyayari, hindi dapat natin pinapayagan na mangyari sa ating lipunan,” parte ng pahayag ni Raffy sa mga miyembro ng media matapos ang paghahain niya ng certificate of candidacy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahapon nang umaga, October 1, nagpaalam na si Raffy sa kanyang public service program sa TV5, ang Idol in Action at kagabi, namaalam na rin siya sa Frontline Pilipinas, ang primetime newscast nila ni Cheryl Cosim dahil sa pasya niya na kumandidato na senador.

“May halong lungkot po at saya ang aking nararamdaman ngayon sa aking gagawing pagpapaalam po sa inyo dito sa Frontline Pilipinas.

“Lungkot dahil sa loob ng halos isang taon, naging mahalagang parte na po ng buhay ko, kasama ang magagaling at masisipag na News5 team na nagbibigay sa inyo ng importante at makabuluhang balita at impormasyon gabi-gabi.

“Saya dahil naging bahagi ako ng isang prestihiyoso at iginagalang na news organization.

"Isang karangalan na mula ngayon at magpakailanman ay nakatatak na sa aking puso at aking mapagmamalaki saan man po ako makakarating,” pamamaalam ni Raffy.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng mga sumuporta sa kanya at tumangkilik sa mga programa niya, pati na ang lahat ng mga nakatrabaho sa Kapatid Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isang programa si Raffy sa Radyo5, ang Wanted sa Radyo pero hindi pa siya nagsasalita tungkol sa mangyayari sa kanyang public service program sa radyo dahil sa pagkandidato niya bilang senador.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Namaalam na si Raffy Tulfo bilang newscaster at public service show host para sa kumandidato bilang senador.
PHOTO/S: Screengrab from Comelec Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results