Shaira Diaz, kinayang mag-taping kahit na may lagnat

by Jojo Gabinete
Oct 3, 2021
Kokoy De Santos,Shaira Diaz
Dahil sa second dose ng COVID-19 vaccine, bumigat ang pakiramdam at nilagnat si Shaira Diaz. Sa kabila nito, tinapos pa rin ng Kapuso actress ang taping nila ni Kokoy De Santos ng GMA Regal Studio Presents episode na "Ako si Ikaw, Ikaw si Ako."
PHOTO/S: GMA-7

Nilalagnat at mabigat ang pakiramdam ni Shaira Diaz nang mag-report siya sa taping ng GMA Regal Studio Presents.

Malakas kasi ang epekto sa kanya ng second dose ng COVID-19 vaccine, pero walang reklamo na tinapos niya ang lahat ng mga eksena nila ni Kokoy De Santos.

Bumilib si Kokoy sa professionalism na ipinakita ni Shaira kaya puring-puri niya ang kanyang co-star nang makausap ang aktor ng Cabinet Files.

“Sa mga hindi po nakakaalam, itong si Shaira, sobrang dedicated sa trabaho, sa craft niya. Kahit hindi kagandahan yung pakiramdam niya, inilaban niya.

“Nagtrabaho siya, talagang ganoon niya kamahal ang ginagawa niya,” ang sabi ni Kokoy tungkol sa leading lady niya sa "Ako si Ikaw, Ikaw si Ako" episode ng GMA Regal Studio Presents.

Mapapanood na ito ngayong Linggo nang hapon, October 3, 4:30 pm.

Nagpasalamat si Shaira kay Kokoy at sa production crew ng GMA Regal Studio Presents dahil sa pag-aalaga na ginawa sa kanya habang nasa set sila.

Continue reading below ↓

“First time ko na nagtrabaho na nilalagnat dahil sa second dose ng COVID-19 vaccine. Akala ko hindi ko kakayanin, akala ko maiilang si Kokoy.

“Siyempre, nakakahiya kung magsasabi ako na hindi ko kaya. With the guidance ng production at saka ni Kokoy, nagawa ko naman. Dinahan-dahan namin.

“That time, hirap na hirap talaga ako. Akala ko hindi ko kakayanin pero kinaya naman.”

Dati nang nagkakasama sina Shaira at Kokoy sa mga programa ng TV5 tulad ng Kidlat, ang fantasy television series na pinagbidahan ni Derek Ramsay noong 2013.

Pero ngayon lamang sila nabigyan ng pagkakataon na maging magkapareha kaya masaya sila para sa isa’t isa.

“Nakatrabaho ko si Kokoy sa TV5, sa Kidlat pero hindi kami nagkasama sa mga eksena. Ito na yung opisyal na makakatrabaho ko siya as partner, not just co-actor.

“Sobrang fun lang, light, at maraming aral na mapupulot sa 'Ako si Ikaw, Ikaw si Ako.' Happy ako na nagawa ko siya with you.

Continue reading below ↓

"Alam mo, napakagaling mo na artista, it’s an honor,” ang mensahe ni Shaira kay Kokoy na tuwang-tuwa sa mga narinig na papuri mula sa kanyang kapareha sa GMA Regal Studio Presents.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa second dose ng COVID-19 vaccine, bumigat ang pakiramdam at nilagnat si Shaira Diaz. Sa kabila nito, tinapos pa rin ng Kapuso actress ang taping nila ni Kokoy De Santos ng GMA Regal Studio Presents episode na "Ako si Ikaw, Ikaw si Ako."
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results