Jinggoy Estrada muling tatakbong senador kahit aktibo pa ang kasong plunder

by Jojo Gabinete
Oct 3, 2021
Kahit na may aktibo pang kaso ng plunder, nakapag-file na ng kanyang certificate of candidacy ang dating senador at aktor na si Jinggoy Estrada. Muli siyang tatakbo bilang senador.
PHOTO/S: Sen. Jinggoy Estrada Facebook

Naghain ngayong Linggo nang hapon, October 3, ng certificate of candidacy ang aktor at former senator na si Jinggoy Estrada sa Commission on Elections (Comelec) sa Sofitel Harbor Garden Tent, Pasay City.

May kinalaman ang paghahain ni Jinggoy ng kandidatura sa kanyang intensyon na muling tumakbo bilang senador sa eleksyon sa May 9, 2022.

Kakandidato siya sa ilalim ng partido ng Pwersa ng Masang Pilipino, ang politicial party na itinatag ng ama niya, ang dating pangulo ng Pilipinas na si Joseph Estrada.

Jinggoy Estrada

Continue reading below ↓

Matapos ang pormal na paghahain ng kandidatura sa Comelec, nagsalita si Jinggoy sa harap ng mga miyembro ng media at sinagot niya ang lahat ng mga katanungan.

“Ako po ay nag-file ng certificate of candidacy bilang senador ng ating bansa at alam nyo naman, dalawang termino po ako nanilbihan bilang inyong senador at sa labingdalawang taon ko na pamamalagi sa Senado ay nabansagan naman po tayo na isa sa mga pinakamasipag.

“'Ika nga of the most prolific senators nung panahon ko, sapagkat tayo po ay nakapag-akda ng mga batas na kulang-kulang mga anim na raan.

“It made me the most prolific senator behind the late Senator Miriam Defensor-Santiago.

"At halos lahat naman sa naiakda natin na bills ay naisabatas na at karamihan sa mga panukalang batas ko ay pinakikinabangan ng ating mga kababayang mahihirap, manggagawa, lalung-lalo na po ang masang Pilipino,” bahagi ng pahayag ni Jinggoy tungkol sa kanyang muling pagsabak sa mundo ng pulitika at hangaring matulungan ang mga Pilipino sa panahon ng coronavirus pandemic.

Continue reading below ↓

Kakandidato rin na senador sa May 2022 national elections si JV Ejercito na dating senador din kaya tinanong si Jinggoy kung morally acceptable na mahalal sila sa senado ng kanyang kapatid sa ama.

“Why not?” ang diretsahan na sagot ni Jinggoy.

“I wish both of us good luck at siguro naman, palagay ko, there are twelve seats that are being fought for and I hope, both of us will win.

“I think both of us deserve to be there. Iisa lang naman ang dugo na nananalaytay sa amin, ang dugo para manilbihan sa ating mga kababayan.”

Nang tanungin tungkol sa magiging epekto sa paglilitis sa kanyang active plunder case kapag nanalo siya sa senatorial bid niya, sinabi ni Jinggoy na ipinauubaya nito sa korte ang lahat.

“I will just leave it to the court to decide on my case. If you remember [in] 2004, I also had a pending case. I left it to the court.

Continue reading below ↓

"I will leave it up to the court to decide on my case,” ang sagot ni Jinggoy tungkol sa pagkakasangkot niya sa Priority Development Assistance Fund scam noong 2013 kaya sinampahan siya ng plunder case.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit na may aktibo pang kaso ng plunder, nakapag-file na ng kanyang certificate of candidacy ang dating senador at aktor na si Jinggoy Estrada. Muli siyang tatakbo bilang senador.
PHOTO/S: Sen. Jinggoy Estrada Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results