Pag-file ni Manila Mayor Isko Moreno ng COC, isasabay sa birthday ni German Moreno

by Jojo Gabinete
Oct 3, 2021
Manila City Mayor Isko Moreno and German Moreno
Itataon ni Manila City Mayor Isko Moreno (kaliwa) ang pagpa-file niya ng certificate of candidacy sa kaarawan ng yumao niyang discoverer at mentor na si German Moreno (kanan).
PHOTO/S: (Isko) Jerome Ascano / (Kuya Germs) File

Isa-isa nang nang naghahain ng kandidatura para sa halalan sa May 2022 ang mga kilalang personalidad na bahagi ng industriya ng pelikula at telebisyon.

Pormal na ihahain bukas, October 4, ni Manila City Mayor Isko Moreno ang kanyang presidential bid sa ilalim ng Aksyon Demokratiko political party.

Manila City Mayor Isko Moreno

Continue reading below ↓

May kabuluhan para kay Isko ang petsa na October 4 dahil ito ang kapistahan ni St. Francis ng Assisi, ang patron ng mga hayop at kapaligiran.

Kaarawan din ito ng kanyang mentor, ang star builder na si German Moreno na pumanaw noong January 8, 2016.

Ayon sa campaign manager ni Isko na si Lito Banayo, ipinangalan si Isko (Francisco Domagoso sa tunay na buhay) ng ina nito kay St. Francis ng Assisi.

Samantalang bukas naman ang 88th birth anniversary ni German Moreno na pinagmulan ng screen family name ng incumbent mayor ng Maynila.

Babalik sa mundo ng pulitika si MTRCB Chair Rachel Arenas na pormal na naghain ng kanyang kandidatura noong Biyernes, October 1, sa Commission on Elections, Dagupan City.

MTRCB Chairperson Rachel Arenas COC filing

Continue reading below ↓

Muling kakandidato si Arenas bilang House Representative ng 3rd District ng lalawigan ng Pangasinan.

Hinawakan niya ang posisyon na ito mula June 2007 hanggang June 2013 bago siya hinirang na Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson ng Duterte administration noong January 2017.

Nabawasan ang mga obligasyon ng MTRCB nang magkaroon ng coronavirus pandemic noong nakaraang taon dahil hindi na saklaw ng naturang government agency ang mga pelikula na ipinalalabas sa iba’t ibang mga streaming platform.

Bumaba naman sa puwesto si Celine Pialago noong October 1 dahil kakandidato siya na house representative ng Malasakit Movement Party-list.

Si Pialago ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson mula September 2016 at itinalaga bilang undersecretary noong August 2018.

Celine Pialago

Continue reading below ↓

Bago siya nagkaroon ng posisyon sa MMDA, beauty pageant candidate si Pialago sa Miss Philippines Earth noong 2014 at contestant sa reality show na Pinay Beauty Queen Academy ng GMA News TV.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Itataon ni Manila City Mayor Isko Moreno (kaliwa) ang pagpa-file niya ng certificate of candidacy sa kaarawan ng yumao niyang discoverer at mentor na si German Moreno (kanan).
PHOTO/S: (Isko) Jerome Ascano / (Kuya Germs) File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results