Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez, dalawang beses bumagsak sa stage

by Jojo Gabinete
Oct 4, 2021
Dalawang beses man bumagsak sa stage, naging maganda naman ang kapalit nito kay Tracy Maureen Perez dahil siya ang kinoronahang Miss World Philippines 2021.
PHOTO/S: Twitter

Not once but twice na bumagsak sa stage ang newly crowned Miss World Philippines 2021 na si Tracy Maureen Perez sa coronation night na ginanap sa Subic, Zambales.

Lliteral na tumagal ng dalawang araw ang grand coronation ng Miss World Philippines 2021 dahil ang-umpisa ito ng Linggo ng gabi, October 3, at natapos nang Lunes ng madaling-araw, October 4.

Unang napahamak si Tracy bago ang announcement ng mga nagwagi, at nakunan ng video ang pagbagsak at paggulong niya mula sa entablado na may anim na hakbang.

Continue reading below ↓

Nangyari ang insidente habang binabasa ng mga host na sina Xian Lim, Alyssa Muhlach, JB Saliba, at RJ Ledesma ang mga premyong matatanggap ng mga mananalo ng iba’t ibang beauty titles.

Agad na tinulungan ni Xian si Tracy. Kitang-kita naman sa mukha ni Alyssa ang pagkabigla.

Para naman kay RJ, the show must go on at pa-witty pang nagkomento na “We have an action star over here tonight… in the making over here in Miss World Philippines…”

Bukod sa dalawang beses na kapahamakan sa stage, naging biktima rin si Tracy ng dalawang beses na maling pagbanggit sa kanyang pangalan.

Sa question-and-answer segment, si Elisse Joson ang nagtanong kay Tracy.

Buong ningning na bati ng aktres sa kandidata: “Good evening, Miss Tatyana, how are you doing?”

Sa tonong hindi nakaka-offend, nakangiting sagot ni Tracy: “Hello, Miss Elisse, it’s Tracy. Thank you.”

Mabilis na humingi ng paumanhin si Elisse dahil, aniya, “Sorry... sorry... it’s on the screen…my bad.”

Si Tatyana Alexi Austria, na nanalong Miss Eco Teen Philippines 2021, ang "Tatyana" na tinutukoy ni Elisse.

Matapos koronahan si Tracy bilang Miss World Philippines 2021 ng predecessor nitong si Michelle Dee, nagsalita si Xian ng "Michelle Marquez, you may do your first walk as our Miss World Philippines 2021."

Hindi muna ito ginawa ni Tracy. Pero nang maglakad siya, saka nangyari ang kanyang pangalawang beses na pagbagsak sa entablado na pinaghihinalaanng epekto ng pagod na nararamdaman ng 28-year-old beauty queen na humakot ng pinakaraming bilang ng special awards.

Continue reading below ↓

May magandang naging kapalit ng mga kapahamakang nangyari kay Tracy dahil siya ang itinanghal na Miss World Philippines 2021 at official representative ng ating bansa sa 70th Miss World na idaraos sa San Juan, Puerto Rico sa December 16, 2021.

Tatlo lamang sa mga nanalo sa Miss World Philippines 2019 ang dumalo sa coronation night ng Miss World Philippines 2021 para isalin ang kanilang mga korona. Tila may kinalaman ang coronavirus pandemic kaya wala sina Kelley Day, Isabelle de Leon, at Glyssa Perez.

Apparently, na-miss nang husto ni Reina Hispanoamericana Filipinas 2019 Katrina Llegado ang pagiging beauty pageant contestant dahil inirampa niya nang todo ang sarili at ang gown na suot sa kanyang farewell walk.

Si Mr. World Philippines 2018 JB Saliba ang isa sa mga host ng Miss World Philippines 2021. Marami ang hindi komportable sa paulit-ulit na pagbigkas niya sa "peysos" (pesos) at sa "Reina Hispanya" (Reina Hispanoamericana Filipinas).

Continue reading below ↓

Nasayang ang paghahanda ng Miss World Philippines Organization para maging maayos at dekalidad ang coronation night ng kanilang beauty pageant dahil sa mga insidenteng hindi naiwasan, tulad ng pag-akyat sa stage ng isang lalakeng nagbigay ng special award sa kandidata na nanalo.

Parang napadaan lang sa venue ang lalake na T-shirt lamang ang suot habang bihis na bihis ang mga huradong kinabibilangan nina Senators Miguel Zubiri at Bong Revilla Jr. Pero nakasira ang mga tao sa likod nila na palakad-lakad at nakikiusyoso sa mga nangyayari.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang beses man bumagsak sa stage, naging maganda naman ang kapalit nito kay Tracy Maureen Perez dahil siya ang kinoronahang Miss World Philippines 2021.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results