Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar sequel, umarangkada na

by Jojo Gabinete
Oct 4, 2021
Director Darryl Yap (center) with his Pornstar 2 lead stars (from left) Ara Mina, Maui Taylor, Rosanna Roces, and Alma Moreno.

Nagsimula ngayong Lunes, October 4, ang unang araw ng shooting ng sequel ng Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, ang pelikulang pinagbidahan ng mga dating sexy star na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor.

Ang pamagat ng sequel ay Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar: Pangalawang Putok o Pornstar 2.

Ang hindi inaasahang tagumpay at ingay na nilikha ng Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar ang dahilan kaya naisip ng direktor na si Darryl Yap at ng Viva Films na magkaroon ng Part 2 ang pelikula.

Maiden offering ang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar nang ilunsad ang streaming platform na Vivamax noong January 29, 2021.

Ipinakilala si AJ Raval sa Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar.

Isa siya sa mga nakinabang nang husto dahil mula noon, nagkasunud-sunod na ang kanyang mga movie project.

Para sa sequel ng pelikula, mga bagong mukha at aspiring sexy stars ang ipakikilala ng Viva Films pero hindi pa sinasabi ang kanilang mga pangalan.

Continue reading below ↓

Makabuluhan para kay Darryl ang pagsisimula ng shooting ng sequel ng Pornstar 2: Pangalawang Putok dahil ito ang kanyang 13th movie project at makalipas ang labintatlong buwan, muli silang nagkasama-sama ng mga veteran star ng kanyang blockbuster movie.

Tiniyak ni Darryl na maaga at mabilis matatapos ang lock-in shoot ng Pornstar 2 dahil sa December 2021 na ang streaming nito sa Vivamax.

Kakandidato si Alma na konsehal sa Parañaque City sa eleksyon sa May 2022 kaya pabor sa kanya ang maagang streaming ng bagong pelikula nila dahil magiging abala na siya sa pangangampanya.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Darryl Yap (center) with his Pornstar 2 lead stars (from left) Ara Mina, Maui Taylor, Rosanna Roces, and Alma Moreno.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results