Engaged na ang former singer-actor na si Jerome John Hughes sa kanyang girlfriend na si Katrina Ojeda
Anim na taon na ang relasyon ng dalawa.
Kamakailan lang, inanunsiyo ni Katrina sa Facebook page nito ang kanyang “I said, YES!” na sagot sa proposal ng future husband niya.
Kapwa U.S.-based sina Katrina at Jerome.
Hindi showbiz personality si Katrina, pero nakilala siya ng publiko bilang dating partner ng Concert King na si Martin Nievera.
Humantong sa paghihiwalay ang pagsasama nina Katrina at Martin, pero biniyayaan sila ng isang anak—si Santino, na isinilang sa Amerika noong October 23, 2006.
Si Jerome ay dating co-host ng Lunch Break Muna, ang defunct noontime show na napanood sa IBC-13 noong November 2000 hanggang December 2003.
Cody Moreno at Jerome Florentino ang mga screen name noon ng singer bago niya ginamit ang tunay na pangalang Jerome John Hughes.
Nagkaroon siya ng special participation sa 2005 blockbuster movie na Let The Love Begin ng GMA Films.
Ang "Let The Love Begin," na unang pinasikat ni Gino Padilla noong 1987, ang ginamit na theme song sa pelikulang pinagbidahan nina Richard Gutierrez at Angel Locsin.
Sina Kyla at Jerome ang kumanta ng cover version ng "Let The Love Begin" na naging hit song noong 2005.
Sina Jerome at Karylle naman ang umawit ng "Pagbigyan ang Puso," ang soundtrack ng Mano Po III: My Love, ang official entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival 2004.
Ang "Pagbigyan ang Puso" ang Best Theme Song winner sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2004.
Bumalik si Jerome sa Amerika nang talikuran niya ang local entertainment industry at sa nasabing bansa na rin siya bumuo ng sariling pamilya.
May dalawang anak si Jerome sa kanyang ex-wife, isang babae at isang lalake, na maganda rin ang relasyon sa mag-inang Katrina at Santino.
Trivia: November 2006 nang makita namin sina Martin at Katrina sa restaurant ng Wynn Hotel sa Las Vegas, matapos ang laban nina Manny Pacquiao at Erik Morales sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Kapapanganak pa lamang noon ni Katrina kay Santino, at kabilang sila ni Martin sa mga personalidad na nanood ng Pacquiao-Morales fight.
Naroroon din ang ibang mga Filipino celebrity gaya nina Rudy Fernandez, Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, at ang TV host na si Marc Nelson na date noon ang Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles.
Marami na ang nangyari mula noong November 2006.
Nagkahiwalay sina Katrina at Martin.
Ang laban nina Pacquiao at Morales ang huling boxing fight na pinanood ni Rudy dahil nang bumalik siya sa Pilipinas, nakumpirma ang pagkakaroon niya ng periampullary cancer na naging sanhi ng kanyang kamatayan noong June 7, 2008.
Si John Estrada ,at hindi si Marc na binata pa rin hanggang ngayon, ang napangasawa ni Priscilla.
Samantalang wala nang atrasan ang pagkandidato ni Pacquiao bilang pangulo ng Pilipinas sa halalan sa May 2022.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.