Watch Now

Ervic Vijandre, naniniwalang advantage na basketball players sila ng mga kapartido

by Jojo Gabinete
Oct 6, 2021
PHOTO/S: @ervicvijandre Instagram

Kapipirma pa lamang ni Ervic Vijandre ng bagong kontrata bilang exclusive talent ng GMA Artist Center noong July 2021.

Hindi niya nakaligtaan na magpasalamat sa GMA-7 dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanyang kakayahan bilang aktor.

Pero hindi muna siya mapapanood sa mga programa ng GMA-7 dahil sa kanyang desisyon na kumandidato bilang konsehal ng San Juan City, Metro Manila.

Limang taon nang residente si Ervic ng San Juan City at tatakbo siya sa ilalim ng partido ni reelectionist Mayor Francis Zamora, na kasama niya na naghain kahapon, October 5, ng certificate of candidacy.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LIKE A BASKETBALL TEAM

Hindi lamang artista si Ervic dahil basketball player din siya noon sa Maharlika Pilipinas Basketball League at PBA D-League.

Kasama niya sa ticket ni Zamora sina James Yap at Don Allado na nangangarap din na maglingkod bilang mga konsehal ng kanilang siyudad.

Si Paul Artadi ay reelectionist at ikatlong termino niyang bilang konsehal kung siya ay palarin sa 2022 elections.

Buo ang paniniwala ni Ervic na malaking advantage ang pagiging basketball players nila ng mga kapwa niya kandidato dahil magkakatulungan sila tulad ng isang basketball team.

"Basketball players kami sa grupo kaya madali sa amin ang magtulungan dahil sanay kami to be part of a team to win a game.

"Ngayon lang, it’s not a basketball game but para sa ikauunlad at ikagaganda ng city ng San Juan," saad ni Ervic.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Eksklusibong nakapanayam ng Cabinet Files si Ervic ngayong Miyerkoles, October 6, 2021.

Unang nagplano si Ervic na kumandidato bilang konsehal ng San Juan City noong May 2019, pero umatras siya dahil nagkaroon ng conflict sa isang television series ng GMA-7 na tinatampukan niya noon, ang Cain at Abel.

JOINING MAYOR FRANCIS'S TEAM

Nang tumindi ang coronavirus pandemic situation noong 2020, isa si Ervic sa mga naging aktibo sa pagtulong sa mga kababayan niya sa San Juan City.

Nais niyang ipagpatuloy ito kapag pinalad siya na mahalal na konsehal.

Sabi ni Ervic: "I have been active sa community namin dito sa San Juan, ang then, nangyari itong pandemic.

"Nakita ko ang maganda at maayos na pagtugon sa mga problema ng aming city sa pamumuno ni Mayor Francis Zamora dahil kasama nila ako sa pamimigay ng tulong at nais ko ito na ipagpatuloy.

"Kung mapagbibigyan ako na mahalal, nais ko na tutukan ang mga programang pangkabuhayan para sa mga tao lalo sa panahon gaya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasama sa aking advocacy ang laban kontra sa droga."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @ervicvijandre Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results