Vice Ganda at Ion Perez, dumating na sa Los Angeles para sa concert ng It's Showtime host

by Jojo Gabinete
Oct 7, 2021
Dumating na ang grupo nina Vice Ganda at Ion Perez (left photo) sa Los Angeles, California para sa concert ni Vice na gaganapin sa October 15 and 16. Kasama nina Vice at Ion sa kanang larawan ang producer ng concert na si Ana Puno (with white face mask) at ang U.S.-based photographer na si Oliver Carnay (with printed face mask).
PHOTO/S: Courtesy of Oliver Carnay

Ilang araw nang hindi napapanood si Vice Ganda at ang kanyang boyfriend na si Ion Perez sa live telecast ng It’s Showtime.

Ito ay dahil pinaghandaan ng magkarelasyon ang kanilang biyahe sa Amerika.

Mahigit sa dalawang taon na hindi nakalabas ng bansa sina Vice at Ion dahil sa coronavirus pandemic kaya excited sila nang dumating sa U.S. ngayong Huwebes ng tanghali, October 7 (Miyerkules ng gabi, October 6, Los Angeles time).

Ayon sa U.S.-based Filipino entertainment journalist na si Oliver Carnay, napaaga ang biyahe nina Vice at Ion sa Los Angeles dahil sa October 11 pa dapat ang lipad nila para sa kanilang concert sa October 15 at October 16.

Kabilang si Oliver sa mga sumalubong sa grupo ni Vice sa Tom Bradley International Airport na nakakapanibago dahil kakaunti lamang ang mga pasaherong dumating

Kasama si Angeline Quinto at ang mga comedian na sina Lassy Marquez at MC Muah sa entourage nina Vice at Ion dahil special guests sila sa Vax Ganda: A Dose of Laughter.

Continue reading below ↓

Kasabay ng pagdating ni Vice sa Los Angeles ang shipment mula sa China ng giant props na ipinagawa para gamitin sa kanyang two-night show sa Pechanga Resort Casino sa Temecula, California.

Sinabi ni Oliver na sold-out na ang mga ticket para sa concert ni Vice dahil talagang nasabik ang mga taong makapanood ng live show na makapagpapasaya sa kanila sa gitna ng pandemya.

Ang Starmedia Entertainment ni Ana Puno ang producer ng Vax Ganda at ng mga susunod na concert ni Vice sa 2022.

“Madaling naubos ang tickets ng Vax Ganda kaya plano ni Ana na mag-produce uli ng show ni Vice sa Los Angeles for 2022.

“Magkakaroon din sila ng mga show sa East Coast at sa ibang U.S. states,” dagdag na impormasyon mula kay Oliver tungkol sa magiging activities ni Vice sa susunod na taon.

Matagal pang mapapanood si Vice sa It’s Showtime dahil sa kanyang U.S. show at sa mandatory hotel quarantine na kanilang gagawin sa pagbabalik nila sa Pilipinas ng mga kasama niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dumating na ang grupo nina Vice Ganda at Ion Perez (left photo) sa Los Angeles, California para sa concert ni Vice na gaganapin sa October 15 and 16. Kasama nina Vice at Ion sa kanang larawan ang producer ng concert na si Ana Puno (with white face mask) at ang U.S.-based photographer na si Oliver Carnay (with printed face mask).
PHOTO/S: Courtesy of Oliver Carnay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results